Sunday, January 13, 2008

ambilis ng mga pangyayari

parating na si Utoy sa primetime bida! ang bilis ng mga pangyayari. november lang when we had our lock in for this and now, ipapalabas na... this month! am so excited! my first soap!!! watch kayo ha. :)

***

my niece kayan passed the upcat! oo, may pamangkin na akong magka-college. anak siya ng kuya ko. food tech ang course niya. i don't think she's going to study in UP, though. mas gusto niya sa ateneo. oh well, good luck sa parents nya para sa tuition.

sa iyo ilay (not to be confused with my friend ilai), mas maganda pa rin talaga sa UP. maniwala ka sa akin.

***

ang hirap pala makipag "break" sa isang kaibigan. hehe especially if youve been together for so long. pero sabi ko, gusto ko kasi ma-experience mag-solo. iyong ako lang talaga, iyong wala akong kasama sa bahay. sad pero sabi nga ng friend ko, we will deal with this in march. di pa naman ngayon eh... in a few months pa.

baka may alam kayong condo unit sa may qc area... pero around may or june pa ako maghahanap.

***

watched i am legend with angelo last weekend. sale sa glorietta kaya napabili din ako... pero di para sa akin. para sa ibang tao. well, bumili ako ng bagong perfume pero katas iyun ng soap ko na ipapalabas this month. (di pa man ako nagsusuweldo, ginastos ko na susuwelduhin ko). buti nga naagapan ko sarili ko, gusto ko na bumili ng itouch.

***

was supposed to have dinner with bats later (madaling araw na pala ng lunes ngayon) but nag-text headwriter ko, pupunta daw kami sa location ng soap. sana andun si papa will at papa jon! i love them! :)

***

saka na muna song of the moment, quote for the day at what i learned recently... masaya na ako na nakakapag-blog pa ako kahit ngarag ako.

2 comments:

Angelo said...

friend, thanks again for the company! i enjoyed hanging out.

caffeinejunkie said...

congrats miss noreen! i-hello mo na lang ako kay donnie geisler hehehe!