Sunday, January 20, 2008

kasentihan no. 121

sabi nila, masuwerte ang mga writers. kasi, may outlet ka ng lahat ng mga emosyon mo. kung masaya ka man o malungkot, magagamit mo ito sa mga sinusulat mo. lagi ko nga sinasabi, writers can handle pain well because they can write about it. and the more you write, the more detached you become.

pero hindi pala ganun sa ibang tao. may friend ako na nahirapan magsulat kasi kaka-break lang nila ng girlfriend niya of two years last week. tapos, ayaw na niya magsulat kasi wala siya sa mood. all he could think of was his ex, and their happy moments together. tapos maiiyak na siya at wala na siyang gana magsulat.

sabi ko, ako kasi, mas nagagamit ko lahat ng angsts ko sa mga script ko. mas masarap magsulat ng may dinadala. iyong may mabigat kang karga. tapos after mo magsulat, gagaan na pakiramdam mo...

***

tinanong ko sa mga scriptwriter friends ko kung normal ba na umiyak habang nagsusulat ng script. kasi nangyari sa akin iyong noong ginagawa ko ang "muntik na kitang minahal" na episode ng your song (buong month ng feb ipapalabas, ako nagsulat ng third episode/week). habang sinusulat iyong eksena di ko napansin na umiiyak na pala ako. as in umaagos ang luha ko. na-weirduhan ako sa sarili ko.

this dialogue did it: pagod na ako sa kakaiyak. pagod na ako sa nararamdaman kong sakit... sana, may gamot na puwedeng inumin para mawala na ito. iyong bukas pag-gising ko, okay na ako... hindi ko na siya naiisip, hindi na nya ako nasasaktan. hindi na ako umiiyak...

naalala ko lang iyong time kasi na sinasabi ko ito sa sarili ko. iyong pagod na ako maging miserable. iyong gusto ko ng gamot na puwedeng inumin para maging okay na ang lahat sa akin. gusto ko na nga hanapin iyong haitian sa heroes para mabura na niya memory ko at di ko na maalala iyong sb episode.

parang kelan lang. :)

***

may isang ginawa ang co-writer ko sa your song na nagandahan talaga ako. siya sumulat ng week 2, tapos week 3 ako. dun sa week niya, ito iyong time na iyong bida nagpa-plot ng revenge dun sa ex nya who dumped her for a younger girl.

bida: gusto ko siyang gantihan. gusto ko siyang saktan.
kaibigan: hindi mo siya kayang saktan...
bida: bakit naman?
kaibigan: kasi hindi ka niya mahal.

ang galing. ang simple. pero totoo. kapag nagmahal ka, binibigyan mo ang taong iyon ng karapatan na saktan ka. kaya kung hindi ka mahal ng isang tao, hindi mo siya masasaktan.

(sa iyo friend na hanggang ngayon ay nag-iisip na makaganti at manakit sa asshole mong ex-boyfriend, heto lang masasabi ko: hindi mo siya masasaktan. kasi hindi ka na niya mahal.)

***

dahil nasa lock in ako last week, hindi ako naka-attend noong nag-meeting ang dalawang shows ko. kaya laking gulat ko noong mabasa ko ang synopsis noong isang show (di ko sasabihin which show) at nakita ko na pangalan ni sb ang name ng bida. nawindang ako. hindi common ang name ni sb (nickname lang kasi iyong real name niya, medyo common). he watches abs-cbn shows. our common friends know which shows i write for. they might think ako nag-suggest ng name na iyon, and that im still not over him, na may mga issues pa ako with him.

wala akong karapatan mag-demand kasi wala ako sa initial meeting pero i told the team about my concerns. we shouldn't use sb's name. pero ayaw nila akong pagbigyan. bagay daw kasi ang name sa character. nabasa ko, gago iyong character... sige na nga, pumayag na ako.

habang nagbabatuhan ng tatakbuhin ng kuwento, i keep on saying sb's name. kasi nga iyun ang name ng character. it feels weird na now i can say his name without being senti. iyong parang isang character na lang siya ng mga sinusulat ko, hindi na tulad ng dati. na mabanggit lang ang name niya, natutulala na ako.

so anyway, hindi ko na prinoblema kung pangalan ni sb ang bida ng show. sabi ko, brainstormer lang naman ako sa series na ito, hindi writer. hindi naman pangalan ko ang malalagay. eh putsa, nag-back out ang isang writer, pinasalo sa akin iyong assignment. so ako magsusulat ng dalawang weeks. kung mamalasin, first two weeks pa isusulat ko. hai, isang malaking good luck!

sa mga nakakakilala kay sb na nagbabasa ng blog ko, wala po akong kinalaman sa pag-gamit ng name niya sa show ko. saka tama iyong co-writer ko, hindi naman copyrighted kay sb ang name na iyun. kahit pa siya lang ang kilala kong may ganoong name. hindi niya pag-aari ang pangalan na iyun. kung mapanood man niya ang series at makita niyang writer ako, sana huwag siyang mag-assume na ako nag-suggest nun.

***

minsan nangahas akong silipin ang friendster ni sb. last year lagi ko ginagawa iyun, to check kung ano magiging reaction ko. dati kinakabahan ako, naiiyak, nalulungkot. i never thought the day would come na his pictures no longer affect me the way they used to. hindi na niya ako nasasaktan ngayon... at alam niyo na kung bakit. *wink*

***

isa sa new year's resolutions ko, hindi na ako magiging makuwento sa mga tao at sa blog na ito. kaya kahit na anong pilit niyo, bats, kareen and ellyn, wala kayong mahihitang kuwento sa akin!

(mag li-live journal na lang ako. tapos para sa mga friends ko lang ung entry, hehehe..)


song of the moment: the warmth of your smile, smile for me little one. and this will be our year, took a long time to come - this will be our year, ok go (salamat, mich para sa mp3)

quote for the day: "isa siyang kendi...walang substance," sabi sa akin ni ilai last week noong may kinuwento ako sa kanya. friend, sa ngayon, masaya ako sa kendi. :) iyun naman ang importante, di ba? don't worry. hindi ito parang sisig na bad for the heart.

what i learned recently: sabay-sabay na ipapalabas ang kung fu kids, palos at lobo sa january 28. mabuti naman at di muna utoy. kawawa naman mga writers, directors at mga tao sa likod ng show na iyun. at least, may chance pa para mapaganda, sayang naman ang material. :) baka february pa ang utoy. or after kung fu kids, sa may or june. :)

3 comments:

rina said...

hoy don't you dare! wala akong livejournal account di ko mababasa yun! multiply pwede pa :)

Raquel said...

ang masasabi ko lang ... "uy, may tinatago!" ;))

Anonymous said...

"uy, may tinatago nga!" hahahaha.

teka, kelan naman ako namilit sa iyo ng kwento? ang alam ko ikaw yung namimilit sakin. :P

-kareen