Thursday, January 31, 2008

muntik na kitang minahal

muntik na kitang minahal.

iyan ang featured song ng Your Song for the whole month of February. magiging month-long series na ang show ngayon. ako nagsulat ng week three pero kasama ako sa bumuo ng kuwento.

habang ginagawa iyong latag, sabi ko, "ang ganda nung week 3!" kaya ang saya ko noong sa akin na-assign iyung week na iyun.

napaka-emotional ng week 3. umiiyak ako habang sinusulat. pero noong nabasa ko ang final script, nalungkot ako kasi nawala iyong mga dialogues at eksena na gusto ko.

pero favorite ko pa rin ang week 3. at para sa kaibigan kong si rose iyun.

***

"akala ko ba happy ka? bakit ka nagpapaalam?"

oo happy ako. pero ano ba kasunod ng happiness? pain. kaya bago pa mangyari iyon, tigil ko na. ang tawag dito, self-preservation. sparing one's self from pain by walking away.

"napa-praning ka lang."

ok lang maging praning. kesa magising ka isang araw na ilusyon lang pala ang lahat.

ayoko na mapaso. ayoko na masaktan. nakakasawa na.

if it's too good to be true, it probably is.

pero a part of me still hopes na baka naman... baka lang... malay mo. totoo pala.

the next two weeks will be very crucial. may hinihintay ako na sign. let's see what will happen after two weeks...


Song of the moment: May sikreto akong sasabihin sa iyo, mayroong nangyaring hindi mo alam, ito'y isang lihim, itinagong kaytagal, muntik na kitang minahal.

Quote for the day: "Loving is a lot like watching a 20-minute firework display. Exciting. Emotional. Romantic. Sweet. Memorable. But it also ends as dramatically as it began. It fades slowly into thin air and as much as we wanted to keep watching, there’s nothing to make it stay. In the end, all that’s left is a starless night and the fact that in this life, good things never seem to last."

What I learned recently: Na-reject ng business unit head iyong script na pangalan ni SB ang bida. Hindi na muna mapapalabas. Ginapang ko ang script ng two days, wala rin nangyari.

2 comments:

Angelo said...

kailan ka susulat ng episode for me? dreaming with a broken heart ni john mayer ang song ah. at ang tambalan either sam/piolo or pwede ding enchong/john lloyd.

Anonymous said...

ate noreen, try mo lang basta happy k... malay naten :)

it's good to take the risk to know the result :)

para naman ndi naten pagsisihan in the end... na sana we took the chance.. kung may connection na at nafifeel na wala naman mangyayari, don k na gawa ng move.. sayang ang miles! hhehe..

stay happy.. bongga ang carrer ha!
mwauh!

-lushlips