Thursday, January 24, 2008

paalam, heath

una kitang nakita sa ten things i hate about you. dun pa lang, minahal na kita. kaya nung pag-gising ko kanina at nabasa ko ang text ni claring na patay ka na, nalungkot ako.

noong sinabi niyang drug-related, di ako naniwala. lalo na nung may angle pa daw ng suicide. sabi ko walang dahilan para magpakamatay ka.

kahit dapat nagsusulat ako ng script, nanood ako ng tv... sa cnn, sa bbc, sa etc. lahat ng report tungkol sa iyo, pinanood ko. nakakalungkot. sayang ka...

ano nga ba ang tunay na nangyari? napagod ka na ba? sabi ni michiko, di ka daw makatulog mula noong naging si joker ka. at di na tumatalab sleeping pills sa iyo.

"kawawa naman. gusto lang naman niya matulog. ayan tuloy forever na siyang tulog," sabi ni mich.

sinabi mo sa isang interview, ngayong may anak ka na, puwede ka ng mamatay. kasi may maiiwan ka na sa mundo na legacy mo. pero at the same time, ayaw mo ring mamatay, kasi gusto mo nasubaybayan ang paglaki ng anak mo.

wala ka man sa paglaki ng anak mo, ang wish ko lang, kung nasan ka man ngayon, sana masaya ka...

sa iyong pagkawala, marami kaming magluluksa... si michelle williams, si lindsay lohan, si claring, si rose, si ilai...

paalam, heath.

2 comments:

Angelo said...

kalungkot itong balitang ito ng o.

BabyPink said...

ako din, nagluksa. :(