Tuesday, January 22, 2008

sweeney todd

was supposed to watch sweeney todd with angelo last weekend. he texted me saturday morning pero may lock in ako for your song. he texted again on sunday pero may lock in pa rin ako. told him to go ahead and watch.

yesterday, nagkayayaan kami ng co-writer kong si pao manood. coding kasi siya at wala siya magawa until 7. ako naman, gusto ko na talaga makita si johnny depp. so iniwan namin ang headwriter namin (sorry kapatid ha, mas mahal ko si johnny eh...) at sumaglit sa trinoma to watch sweeney.

maganda ang movie. i thought pao was bored kasi musical ito pero no, first few scenes ng movie, impressed na siya. and nung tapos na ang movie, he kept on raving about the scenes, the songs, the story.

i loved the songs. lalo na iyong "not while im around" duet. (claring, download mo ako ng soundtrack nito, please... hehehe)

at ang galing ni papa johnny. he won best actor sa golden globe for this. habang nanonood, nakakalimutan kong si johnny depp sya. haaai, kahit ang dark ng movie na ito, i was swooning. :)

song of the moment: nothin’s gonna harm you/ not while i’m around... demons are prowlin’ everywhere/ nowadays i’ll send ’em howlin’/ i don’t care / i got ways... no one’s gonna hurt you /no one’s gonna dare - not while im around, from sweeney todd

quote for the day: natawa ako noong may form kaming fini-fill-upan ng co-writer ko at sinabi niyang wala siyang mailagay sa in case of emergency person niya kasi, "wala kasing nagmamahal sa akin." i remember the times na di ko rin alam sino ilalagay ko nun sa in case of emergency person ko. nasa US parents ko at nasa davao mga kapatid ko, nasa bulacan naman closest relatives ko. so nilagay ko nun ang best friend kong si bim, kasi kasama ko siya sa bahay that time. it's weird how a simple question like "person to contact in case of emergency" can make you realize how lonely life can be...

what i learned recently: russel crowe was considered to play the role of sweeney todd, nung hindi pa si tim burton ang director. pero kondisyon ni tim burton, gagawin niya lang ang movie kung si johnny ang cast. can't imagine sweeney todd without johnny. haaay nasabi ko bang mahal ko si johnny depp? i will definitely watch this movie again!!! kung alam ko lang na andoon din sa trinoma si mich at si rose kagabi, sumama ako para ulitin ang movie...

No comments: