Wednesday, January 9, 2008

usapang kick-off at pilot week

ano mas bad trip? iyong wala kang dalang digicam sa isang historical event like the UP centennial kick-off or may dala ka nga pero di mo alam low-batt na pala at isang shot pa lang, drained na?

was in UP last night with some friends na pare-pareho ding lowbatt kaya wala talaga kami nakuhang pictures. pero sige, kahit wala akong nakuhang pictures, may t-shirt naman akong nabili. ok na iyon. saka nakita ko si gitz at nagpa-picture kami with her astig camera, at may dala naman camera si dan kaya keri na... at saka marami naman nag-post ng pictures sa multiply nila kaya mangongokpya na lang ako. hehehe

sabi nga ni claring, ang importante, we were there. we were part of history... charing! ang sarap talaga maging taga UP. :)

at sa dami ng tao dun, di maiwasan may mga kakilala kang makita -- mga dating kaklase roommates/dormmates, orgmates, teachers, kasamahan sa trabaho. sayang di ko nakita sina kareen, rio at rina. may mga dalang camera ang mga ito, magpapakuha sana ako.

ang ganda ko pa naman dun sa nabili kong sungay na umiilaw. bagay na bagay daw eh. bumili kami ng mga housemates ko ng sungay na headband. at pinanindigan namin. hanggang nakauwi sa condo, suot namin. tawang-tawa kami sa reaction ng mga tao... mula sa ministop sa baba ng condo, hanggang sa guard, pati dun sa lalakeng nakasabay namin sa elevator.

***

ako ang pinapasulat ng pilot week nung aming soap. ang deadline: this month. sabi ko nga sa headwriter ko, "di ba gawain ng headwriter yan???" kasi ang alam ko, ang headwriter talaga ang gumagawa ng pilot week.

alam ko kung gaano kadugo ang pilot. at ilang revisions ang kailangan (iyong dati kong headwriter, sabi niya naka 9 revisions sya dun sa isang show na di naman natuloy) bago ma-approve. sabi niya kaya ko naman daw ito, at di nya naman ako papabayaan. waaaah. too much pressure. sinabi ko na first soap ko ito... tapos sasabak na ako sa sulatan... pilot week pa!

at dahil dito, mukhang mapu-pull out ako dun sa isa pang show, na alam na yata ng lahat ng kakilala ko na magsusulat ako dun. pati mga pamangkin ko, pinamalita na nila sa lahat ng mga kaklase nila sa davao na kasama ako ng fantaserye sequel na yun. pati nga mga anak ng high school classmates ko, alam na.

"mahalin mo na itong soap na ito kapatid," my headwriter said when i told him ayoko sa soap namin. "kalimutan mo na ang ----- (kiddie show) at ------- (fantaserye). "

i looked at him and said, "kapatid, hindi natuturuan ang puso! hindi mo puwedeng sabihin kung alin ang dapat mong mahalin..."

buti na lang talaga ngarag ang headwriter ko para dun sa isa pa niyang soap kaya di niya nababasa ang mga posts ko kahit na ka-multiply ko siya. baka bigla akong tanggalin sa dalawa niyang soap dahil sa mga pinagsusulat ko dito. ehehehe

***

sa mga batchmates ko noong high school (na nagbabasa nito pero di nagpaparamdam), di ko pa rin na-a-upload ang reunion pictures natin ha... baka mamayang gabi. busy lang talaga akesh.

***

couldn't believe i wasted my camera's battery on pbb big night and wala akong nakuhang pic for the UP centennial celeb.

ito lang yata ang pbb na di ko nagustuhan ang big winner. kahit sabihin pang kababayan ko siya. i think meron pang mas deserving. hindi dahil sa mahirap siya, sya na dapat nanalo. hindi ito charity show. haaaaai.

but then again, i stoppped watching pbb na rin naman noong ang dami ng twists na hindi nakakatuwa. napapunta lang ako sa araneta kasi fudge texted me to say she has extra tickets. kaya ayun, for the experience.

***

tungkol sa mmff? hmmm.... no comment. dalawa lang pinanood ko. SSS siyempre at saka shake rattle and roll kasi nilibre ko mga pamangkin ko sa davao at ito gusto nila panoorin.

direk j just called me, he asked me kung ilan ang ginagawa kong show sa dos. he said he wanted to include me dun sa "something" niya. hindi niya sinasabi kung anu iyon basta "something" daw. sabi ko tingnan namin, kung buhay pa ako by then. kung magsu-survive ako this month para sa pilot week na isusulat ko.

ang dami ko pa gusto isulat pero kailangan na magmadali kasi may meeting sa dos. tambak pa labahin ko....

2 comments:

Anonymous said...

oi di nga tayo nagkita sa UP (at talagang gusto mo lang magpapic samin ha, hahaha)

congrats sa new rakets!

-kareen

BabyPink said...

hay. sayang at hindi ko inabot ang kick-off. nakauwi na kami. :(

congrats and God bless sa lahat ng raket, miss noreen! :)