Wednesday, February 27, 2008

brace yourself

kanina nagpakabit ako ng braces. oo, iyong braces na sinusuot ng mga teen-ager para umayos ang mga ngipin nila. sabi kasi ng dentista ko, kailangan ko na. kaya ayun, wala akong choice.

when i learned last weekend na magkaka-braces na ako, biglang may isang concern ako na di ko puwede itanong sa dentista ko. makaka-apekto ba ang braces sa chorva? nakakahiyang itanong iyun sa dentista, or kahit sa ibang taong nagka-braces na. so i asked three friends... three friends lang na di ko na ire-reveal dito kung sino dahil baka ikahiya rin nila ang sagot nila. :)

sabi ng dentista, mukhang 6 months ko daw isusuot iyong braces. sige na nga... maikling panahon lang ang 6 months. chorva can wait. hahahaha

***

nag lock in kami last monday sa astoria for a new show, na di puwede sabihin kung ano, at di rin puwede sabihin kung sino bida. highly confidential kasi eh, kahit kami, may faux title when referring to the show.

basta excited ako sa show na ito. lalo na sa isang character na mahal na mahal ko. :D

***

gusto ko na panoorin ang my big love. saka kite runner. ganda nung book, kumusta kaya ang movie?

***

this march, your song presents kapag ako ang nagmahal, starring maja salvador and rayver cruz. cute ang kuwento. tungkol sa ballerina na na-in love sa jologs na hip hop dancer. parang step up/centerstage.

Song of the Moment: Like you'll never see me again - Alicia Keys

What I Learned Recently: Nabasa ko lang somewhere, di ko alam kung totoo... pero iyong role ni Shaina sa Lobo, unang inoffer kay Heart pero tinanggihan niya.

No comments: