Monday, February 11, 2008

endo

nanood ako ng premiere ng endo sa megamall kanina. maganda sya. panoorin niyo. sabi ko nga kay mich, muntik na ako maiyak dun sa isang eksena, pinigilan ko lang. pero ang ganda nung movie. kinilig ako, natawa, and was moved to tears.

magaling si jade bilang director. magaling siyang magpakilig. excited na ako sa my big love. magaling din si jason abalos at si ina feleo. sabi ko sa headwriter ko noong napanood ko si ina sa mmk, kunin namin siya para sa soap. kung magaling siyang kumanta, puwede syang bida dun sa musical soap namin. basta gusto ko siya. maganda na, magaling pa. parang nakaka-inspire magsulat ng script kung alam mong magaling ang magbibigkas ng mga dialogues na isusulat mo. sana maging artista namin siya. baka maunahan kami. sayang.

***

nabasa ko ang blog entry ng friend ko at naiiyak na naman ako. she just admitted to her friend, na may girlfriend, na she loves him. uso ba iyun ngayon? parang kelan lang, ginawa din ito noong isa ko pang friend. pero wala naman girlfriend iyong sinabihan niya. pero dedma ang guy. parang walang narinig. and when she insisted he should react, his reply was medyo ouch. pero sabi ko, buti na rin un. he was honest. kesa naman paasahin niya iyong friend ko.

gusto ko gumawa ng separate entry tungkol dito pero saka na lang. two episodes ang kailangan ko isulat. deadline ko ng feb 14. wala pa akong nagagawa ni isang eksena. almost 60 sequences ang kailangan ko gawin.

***

sabi ko noon, i will see what will happen in two weeks. may hinihintay akong sign. kapag _______, ibig sabihin, __________. hindi nangyari iyong sign na gusto ko pero may ibang nangyari. dalawang bagay na hindi ko inaasahan. at kung tutuusin, mas maganda kesa dun sa sign na hiningi ko. pero hindi iyon ang sign na gusto ko eh.

magulo ba? kahit ako naguguluhan eh. basta un.

***

dapat nagsusulat ako eh. ng script, hindi ng blog entry. three days... kailangan ko magsulat in three days. dapat itigil ko na muna ang ym, multiply at blogger. haaaay

***

nag 70s bistro kami last saturday. pinanood namin ang brownman revival. wala lang, naaliw lang ako sa frontman nila. ang hot niya habang nagpe-perform. hehehe

Song of the Moment: the little things you do to me are taking me over/ i wanna show you everything inside of me/ like a nervous heart that is crazy beating - the little things, colbie caillat

Quote for the Day: "mahal kita kahit na iiwan mo ako," sabi ni jason abalos sa endo.

What I learned recently: malakas ang ugong na aalis si anne curtis sa abs dahil siya na daw ang dyesebel sa gma. pero ugong lang naman ito, hindi pa confirmed. sana huwag siyang umalis. sana mag-stay sya sa abs. :)

No comments: