Friday, February 8, 2008

kelan kaya ako sisikat?

"punta ka ngayon din sa starbucks. andito si zanjoe... alone!" iyan ang text ko kay nix kahapon. nasa starbucks kasi ako with mich, john and pinong when zanjoe arrived. akala ko kasama niya iyong matangkad, mestiza at magandang babae pero mag-isa lang pala siya. tapos umupo siya sa table sa tabi namin.

lagi kong nakikita si zanjoe. nakasama ko na rin naman siya sa ilang parties sa abs. may photo op pa nga ako with him nung christmas party. pero iba pa rin kapag nakikita ko siya unexpectedly.

"mamamatay ako... shet!" bulong ko kay mich na tinawanan ako.
"pinagpapawisan ka, kapatid..." sabi ni john.
malamig naman sa starbucks pero bigla akong nainitan. ikaw ba naman makakita ng isang zanjoe na sumusubo ng banoffee pie sa tabi mo.

"sana ako na lang ang banoffee," text ni nix. after a few minutes, heto na si nix sa starbucks pero wala na si zanjoe. nakaalis na.

***

dahil sa chinese new year kahapon, may psychic fair sa abs. so sinubukan namin nina mich at john magpahula. puro echos lang naman ang hula sa akin. lahat magaganda. parang too good to be true. sayang lang ang pera ko.

***

naalala niyo ba iyong article na sinulat ko sa peyups na parang kayo pero hindi? pete lacaba quoted what i wrote verbatim in his column sa feb issue ng Yes magazine. he didn't mention my name pero he referred to me as an "anonymous author."

sabi ko nga, hirap ng hindi sikat. ang tawag sa iyo anonymous. at least he said na he just read it lang from the internet. baka nga naman na-forward lang sa kanya iyun tapos wala na iyong name ko when he got it.

"di bale, pag sikat na tayo, gantihan natin," text sa akin ni rose...

hay, kelan kaya ako sisikat?

***

apat na araw na kaming hindi nagkikita ng mga housemates ko. tatlong araw akong hindi nakapag-internet. buong week, umuuwi ako ng 5am. minsan, 6am. tapos gigising ako ng hapon para umattend ng meeting. pamorningan na meeting. kanina lang kami natapos. grabe, your song lang na show ito pero ang tagal namin ginawa.

tapos, dalawang episode iyong script na gagawin ko. i have four days to write. deadline ko ng feb 14. igagapang ko na naman ito. pero keri lang. iyong dating two scripts, ginapang ko ng two days. ito i have four days... so pwede pa ako mag UP fair. at manood ng endo (ayan mich ha, hehehe).

***

"ate noreen, ano na nangyari sa show natin?" bati sa akin noong isang PA na dapat kasama namin sa musical soap. "wala na akong pera..."

"ewan ko nga ba, sana mag-umpisa na para may pera na tayo..." sabi ko.

sabi ng nanay ko, meeting ako ng meeting, sulat ako ng sulat, pero wala naman daw akong soap na napapalabas pa. syempre nasabihan ako na kung di ako nag-resign sa M company, sana buwan-buwan, may suweldo ako. di tulad ngayon sa abs. kung kelan lang na-air ang sinulat mo, dun ka lang magkakapera.

pero ito talaga gusto ko eh. ang magsulat. di bale, yayaman din ako. at sisikat. balang araw...

Song of the Moment: Sisikat din ako.... basta iyong theme song ng Little Big Star

Quote for the Day: "It's wrong, I know, but I'm not sorry..." sabi sa Cold Case.

What I learned Recently: Grabe. Sa blog lang ni rose ko nabalitaan kung sino si Lozada at ano kuwento niya. Kaya pala nung nag text si danny ng "patay na si Lozada........ ike lozada," ay di ko nagets.

2 comments:

caffeinejunkie said...

miss noreen,

sikat ka na. sa peyups, sa blogging world, sa mga kakilala ko, lalo na sa kapatid ko. hehehe.

(lekat yang zte na yan. di tuloy ako makagimik!)

noreen said...

hahaha. salamat, johann. :)