Wednesday, February 20, 2008

waging war with writer's block

sa trabaho ko, bawal magkaroon ng writer's block. kailangan kapag sinabi ng producer na magsulat ka ngayon at i-submit mo bukas, kailangan mo sundin. di puwedeng excuse iyong wala ka sa mood. kapag di ka naka-submit, wala ka ng next project. kaya kadalasan, kahit hindi ka nagagandahan sa sinulat mo, wala kang choice. kailangan mo na ipasa. gusto mo man pagandahin, wala ng oras. hanggang dun na lang.

may writer's block ako ngayon. at kailangan ko magsubmit today ng sequence treatment para sa love spell. today as in today. at wala pa ako nauumpisahan. ang meron lang ako pangalan ng mga characters. pero di ko pa alam ano tatakbuhin ng kuwento.

proud pa naman ako kasi naisip ko iyong concept habang nagme-meeting kami. sinabi na magbaon ng idea pero di ako prepared. so nung nagbabatuhan na ng concepts, nakaisip ako ng ipi-pitch at nagustuhan naman nila. sabi ko sa sarili ko, "shet, ang galing ko!" potah. hanggang dun lang pala. ang yabang ko kasi.

yun lang ang meron ako ngayon. concept. iyong buong kuwento, twist, storyline...wala.

at nafu-frustrate na ako kagabi pa. kasi gusto ko na magsulat, walang lumabas na idea. sana mental constipation lang ito. hindi burn out. kailangan ko lang ng laxative.

sana may maisubmit ako ngayong araw na ito. kung hindi, shet... baka tanggalin ako sa love spell. eh kaka-start ko lang dito. :(

incidentally, sa sunday na ang first episode ko sa love spell. ano kaya kinalabasan nun? isang araw ko lang ata sinulat ang script na iyun. hehe

No comments: