Saturday, February 16, 2008

words of wisdom from a 9-year-old

"ayoko mag-asawa, baby lang ang gusto ko," were the words that came out of the mouth of my 9-year-old niece, maya. naloka ako!


her mom was telling her kasi na baka mauna pa siya mag-asawa sa ate niya, who is 16 years old. and that was what maya replied.

naloka din ang mga kaibigan ko noong kinuwento ko. kasi, these were the exact words i said a few years ago. and no, hindi kami nag-uusap ni maya tungkol dito. hindi ko alam kung san niya napulot ang statement na iyun.


***

kung nabasa niyo ang na sulat para kay maya (click here) sa peyups, am sure kilala niyo kung sino si maya. yup, malaki na siya ngayon. grade three na. at noong magkasama kami sa davao noong pasko (kaming dalawa lang sa bahay dahil nasa US parents ko), parang siya pa ang mas matanda sa akin. lagi akong pinapagalitan.


heto ang mga hirit niya:



on finances
"bakit hindi mo vina-value ang coins? di mo ba alam kung walang barya, walang buong pera," sabi niya noong nakita niyang pakalat-kalat ang mga barya ko sa kuwarto.


"para kang siraulo, sinasayang mo lang ang pera mo," when she found out kung magkano ang bili ko doon sa bag na gamit ko.



on fashion

"ano ba iyang suot mo, para kang makikipag-libing," when she saw the black dress i was supposed to wear on our high school reunion. napilitan tuloy akong mag-red dress.


"alam mo tita, iyang mga havaianas mo, walang pinagka-iba ang itsura sa mga mse (marikina shoe expo/exchange) na tsinelas. kung sa malayo, magkapareho lang sila. 150 lang iyun, iyan, magkano iyan?" when she noticed the slippers i was wearing.



on time-management

"don't panic, don't panic..." noong nagmamadali na ako kasi late na ako sa reunion at di ko pa naaayos ang mga gamit na dadalhin ko.


on being organized

"hindi ako mapakali, ang kalat-kalat ng kuwarto," she said on my 2nd day in davao. nagkalat na kasi mga gamit ko.


"maya, maliligo ako. pagkatapos ko, dapat malinis na ang kuwarto ha," utos ko sa kanya.

"sige, pero dapat may prize... 50 pesos."
"sige."


noong tapos na ako maligo, maayos at malinis na ang kuwarto. then she said, "ayan, malinis na ang kuwarto. baka guluhin mo na naman, lagot ka sa akin."



that night, nagsisimula na naman kumalat ang kuwarto...

"titaaaaaaaa!" she screamed. "kung saan mo kinuha, doon mo ibalik!"


noong naka-one week na ako sa davao...


"napapagod na ako!" she said. "araw-araw na lang ako nag-aayos ng kalat mo."


pero heto ang pinaka-favorite ko...


me: maya! ang arte-arte mo. kanino ka ba nagmana?
maya: (without hesitation) sa iyo!


at di na ako nakasagot.



when she was three years old, mana talaga sa akin si maya. kasi kikay siya (dapat color-coordinated lahat ng susuotin niya). balahura (she once told her playmates, "huy mga batang yagit, maligo muna kayo bago kayo makipag-laro sa akin"). iyakin (at three years old, naiyak siya while watching tabing-ilog). at drama queen (she once shouted, "tulungan niyo ako, kinagat ako ng langgam.") saka, tinitingnan din niya ang sarili niya sa salamin kapag umiiyak. noong minsang nagulat siya at napasabi ng "shet," sa harap ko, sinabi kong mali iyun. hiyang-hiya siya at di makatingin sa akin. sinabi ko huwag siyang magsasabi ng "shet" kasi ang dapat ay "shit." at nagtawanan na kami.



now that she's 9, i can say she's a better version of me. she handles her finances well (nilibre niya ako ng sine kasi daw marami siyang savings), she cleans up her mess, and she is so selfless, inuuna pa niya ibang tao kesa sa sarili niya. napakabait na bata. maarte nga lang at medyo makulit pero mabait.



pero noong minsan, magkasama kami and she was calling her mother and her ate sa cellphone, tapos hindi siguro naririnig kasi hindi sinasagot. so she called up her daddy (kuya ko), and said, "ano ba yang si mommy at si ate, hindi sinasagot ang telepono! nasan ba sila? pagsabihan mo nga!"



a few minutes later, tinatawagan na siya ng mommy niya. she repeatedly rejected the call. ayaw na niya ito kausapin. or sasagutin man niya pero ibababa din ang phone para lang mang-asar.



natawa na lang ako. mana pa rin siya sa akin.


4 comments:

Anonymous said...

Hello ms. noreen.

Ask ko lang, nabasa na ba ni Maya ang sinlulat mo about her (yung peyups article)? Anong sabi?

Ang matured na nya mag-isip...

Btw, I'm an avid fan and faithful follower of your blog(s).:)

noreen said...

hi, anonymous. salamat.

yup, nabasa niya when she was 8. naiyak sya when she read it. hehehe then she proudly showed it to other people. :)

may nagbababasa pa pala ng blogspot ko. akala ko kasi wala na nagbabasa nito dahil sa multiply na nagle-leave ng notes ang mga tao. :) salamat uli.

Anonymous said...

Hehe...you're welcome. Eto kasi yung sumunod (i think)after mag-close yung blogcity mo kaya eto na-save sa favorites ko. At ito ay parang Maging Sino ka Man at Lobo na sinusubaybayan ko.*Nyahaha...sipsip!*
Natutuwa ako sa mga entries mo.Sana'y magkaroon ka ng book ng mga peyups article and blog entries mo ala Jessica Zafra.God bless...

Kahit ako si Maya, maiiyak ako.:)

Btw, girl po ako ---baka lang maisip mo na stalker ako.Haha!

--anonymous pa rin. shy ako eh.:)

noreen said...

dear anonymous pa rin,

hehe i know na girl ka, kasi men cant relate to my entries, hehehhee

sana minsan magkaroon naman ako ng stalker na kamukha ni zanjoe o kaya jake cuenca, hehheee