Saturday, March 22, 2008

angst ng isang scriptwriter na may deadline...

kagabi, naiiyak na ako in frustration kasi hindi ko matapos-tapos ang utoy script. dapat ay saturday morning ang deadline ko pero friday night na, di pa ako tapos sa day 2. eh hanggang day 5 iyun.

usually naman, mabilis akong magsulat. pero this time, hindi ko alam, para akong nauupos na kandila. hindi ako makaisip. masama pakiramdam ko. mas gusto kong matulog kesa magsulat. siguro dahil kakatapos ko lang ng apat na script for your song tapos kailangan ko gumawa ng limang araw na script revisions for utoy. tapos, siguro dahil nga sa two weeks straight akong napupuyat to write scripts.

kaya ayun, i was struggling to write. i had to text my head writer john to ask for an extension. nahihiya ako kasi first soap ko ito, tapos pasaway pa ako. pero he was kind enough to give me an extension. sunday night na daw deadline ko.

and then i slept for 11 hours.

yun lang pala kailangan ko... matulog ng matagal. now, patapos na ako sa day 3. yey. kaya keri ko na mag-blog ngayon. buong araw akong hindi nag-internet kahapon pero hanggang day 2 pa lang ako.

today, nag online ako matapos ko gumawa ng day 3. nag-luto pa nga ako ng pasta kanina kasi akala ko may darating na friends para bisitahin ako. tapos magsw-swim kami ni ilai sa baba even for just an hour... i need that. then ready na ako to finish days 4 and 5.

***

jan texted me yesterday, inviting me to go to tagaytay for dinner. balik din kami agad ng manila after dinner. di ako puwede, apparently. :(

she texted me again this morning, nasa trinoma daw sila. niyaya nila ako sumama. hindi pa rin ako puwede.

angelo called me up tonight, nagtatanong ng gimik. told him bukas ng gabi pa ako puwede lumabas ng bahay.

hai. sabi nga ng headwriter ko sa blog entry niya, mahirap maging mahirap. :) kailangan ko gawin ito, magsulat ng ilang araw, huwag lumabas ng bahay, magpuyat -- para sa pera. at sa passion.

next week, gusto ko mag out of town. gusto ko mag-baguio! o kaya mag tagaytay. pero baguio na lang... kahit mag-isa ako. kailangan ko lang mag-recharge.

***

my your song headwriter called me up to say she cried when she read my script. hindi naman in frustration, hehe. she said "dear, ang ganda ng weeks 2, 3 and 4... naiyak ako." these keep me going. the fact na kahit nahihirapan ako, natutuwa naman ang mga taong nakakabasa ng scripts ko, masaya na ako... the fact na may umiiyak habang pinapanood nila ang mga eksenang ginawa ko, okay na ko... it's all worth it.

No comments: