Monday, March 3, 2008

ano bang meron sa blueberry?

"so what's wrong with the blueberry pie?"
"there's nothing wrong with the blueberry pie, just people make other choices. you can't blame the blueberry pie, it's just... no one wants it."

nakita ko ang quote na ito sa peyups forum tungkol sa movie na my blueberry nights.

if you've been reading my jelly beans articles in peyups, then you must be familiar with the blueberry jelly beans story. masyado akong fixated sa chocolate pudding jelly beans, kaya ayun, kahit na okay naman ang blueberry, inayawan ko lang.

naisip ko lang, anu bang meron ang blueberry at kahit na masarap ito ay inaayawan ito ng mga tao?

gusto ko na tuloy mapanood ang movie na ito. wala kanina nung nagtanong ako sa binibilhan ko eh...

***

a friend sent a goodbye love letter to the guy she was in love with for how many years. inamin niya sa email iyong feelings niya sa guy, at the same time, nagpapaalam siya kasi ayaw na niya masaktan. she said mas makakabuti kung huwag na siya kontakin nung guy.

natigilan nga ako, parang binabasa ko ang sulat na ginawa ko. ganung-ganun kasi eh. same situation kung bakit kailangan namin magpaalam dun sa guy... may girlfriend iyong guy. at di naman nila ibe-break iyon para sa amin.

napatingin tuloy ako sa sent items ko sa email noong 2006 at binasa ang email sa isang tao kung saan inamin ko na mahal ko siya pero at the same time, nag-goodbye ako sa kanya at sinabi kong huwag na kami magkita o magsama kahit kelan. kasi mas mahihirapan lang ako mag move on.

ang weird ng parallelism sa buhay ko at ng mga kaibigan ko!

***

am sure, marami sa mga friends ko ang nakaka-relate dun sa blueberry pie quote sa movie. nothing's wrong with us, it's just that, people have choices. and nobody wants a blueberry pie...

parang iyung blueberry jelly bean.

bakit nga ba?

kapag nalaman niyo na sagot kung anung meron sa blueberry, sabihin nyo sa akin ha...

Song of the Moment: I would love to talk to you in person. / But I understand why that can't be / I'll leave you alone for good I promise / If you answer this one question for me... I just wonder / Do you ever, think of me anymore, do you? - Do You, Ne-Yo

Quote for the Day: "There's nothing wrong with the blueberry pie, just people make other choices. You can't blame the blueberry pie, it's just... no one wants it."

What I Learned Recently: Magkasama si Zanjoe at si Mariel sa concert ni Ne-yo. Talagang tinext pa sa akin ng isang co-writer ang info na ito dahil alam niyang sobrang mahal ko si Zanjoe. Haaaai.

No comments: