Monday, March 24, 2008

gigil

"i need a drink, a man, or a massage. or a drunken massage by a man," sabi ni cristina yang sa isang episode ng grey's anatomy.

exactly what i need right now... hay, sige, massage na lang. or a long bubble bath. hai.

iba pala ang epekto ng ilang linggo kang nagsusulat. gigil kang i-compensate iyong mga ilang gabing pagpupuyat at pag-piga ng utak, at ilang araw na nakakulong sa bahay at tinatanggihan ang invitation ng mga taong lumabas, uminom, magkape, etc.

kagabi, i met up with angelo to hear mass sa greenbelt. and sabi ko, gusto ko mag-shopping. gusto ko rin magpamasahe. at kumain ng masarap na dinner.

gigil din ako mag-baguio! hai. o kaya mag tagaytay. o mag subic na lang.

basta ang alam ko, wala akong deadline this week. or next week. so puwede akong gumala. ite-tape na ang utoy bukas (kumusta kaya ang ginawa ko? sana oks lang), at ite-tape na rin ang your song sa wednesday, at mukhang wala na ang lovespell by april. so wala na ako muna gagawin.

puwede na ako mag-linis ng kuwarto, mag-ayos ng closet at itapon ang mga damit na one year na hindi nasusuot, at balikan ang scrapbook na di matapos-tapos.

kanina, naglaba ako ng undies. nagbilang ako. na-realize ko isang buwan na pala ako hindi naglalaba. hehe. tapos iyong kuwarto ko, parang gubat na. sabi ko kay ilai noong nag-"bakasyon" siya sa condo namin, "no judgement." ito na pinakamagulo kong kuwarto dahil sa sobrang busy ako...

pero ngayon, i have all the time in the world. puwede na ako bumalik sa boxing. puwede na ako magpa-facial at diamond peel uli. puwede ko na ipa-relax/rebond uli ang buhok ko. puwede ko na ayusin ang kuwarto ko at itapon ang mga dapat itapon at itago ang dapat itago. puwede ko na basahin ang mga librong nabili ko last year na naka-plastic pa, at panoorin ang mga dvds na gusto ko panoorin.

sobrang wala ako magawa kaya papatulan ko ito:

four jobs i've had in my life:
magazine writer, technical writer, editor, scriptwriter

four movies i could watch over and over:
when harry met sally, got to believe, the beast and beauty (korean), love actually

four places i have lived:
cotabato, davao, bulacan, mandaluyong

four TV shows i love to watch:
local --> your song (syempre!), pgknb, tvp, lobo

four websites i visit daily:
yahoomail, blogs, multiply, friendster

four of my favorite foods:
sisig, lechon kawali, barbeque, chocolates

four places i would rather be right now:
baguio, davao, bangkok, sa spa nagpapamasahe

four traits i most deplore in others:
sinungaling, user, nanlalamang ng kapwa, inconsiderate

four traits i most deplore in myself:
procrastinator, praning, senti/iyakin, tamad (haha!)

four words or phrases i overuse:
oist, hai, ganun, and expletives i couldnt say here

four people who have made a difference in my life:
bim, sb, direk joey, kikays (claring, jan, cel, biang)

four things i most value in my friends:
supportive (read: kunsintidora), patient, dependable, understanding

four things i'd like to learn:
mag-bike, maging masipag, tigilan kumain ng chips, huwag maging emo masyado

four people i'm tagging:
mga nakakabasa nito na wala ring magawa...


No comments: