Tuesday, March 18, 2008

life's indescribable pleasures...

my former boss once told me there are only two pleasures in life: sex and food. iba daw kasi ang sarap na makukuha mo sa sex at sa pagkain -- hindi mo kayang i-describe. nothing comes close to that feeling.

this is the same boss who once heard me say that the chocolate cake i was eating was better than sex. she said, "if somebody says there is something better than sex, either that person hasn't had sex or he/she only had bad sex..."

mula noon, never na ako nagsabing something is better than sex. :)

***

but my boss is wrong when she said there are only two inexplicable pleasures in life. because i always get ecstatic whenever i'm done writing a script. ewan ko ha, pero iba talaga ang feeling whenever i reach the end of my script and realize na "shet... im done!"

oo nga, there are times na ayoko na buksan ang laptop ko, at ginagapang ko talaga ang mga eksena, dialogues at plots ng mga kuwento ko, at sumisigaw na ako ng "ayoko na... umay na umay na ako..."

there were times na gusto ko na umiyak sa harap ng monitor kasi hirap akong itawid ang eksena, o kaya wala akong maisip na bagong element, o kaya feeling ko, walang kakaiba sa sinusulat ko at ang bobo-bobo ko.

but knowing that i'm down to my last sequence/scene, and that i am pleased with what i've written, i feel a different kind of rush inside me. hindi ko ma-explain iyong feeling. basta masaya. satisfied. basta inexplicable.

***

the script i did recently was the most challenging i've done... four scripts in less than four days! shet. pero kahit may script deadline ako, nagawa ko pang makipag-dinner with kareen sa baang at pumunta sa bahay nina michiko at rose para maki-"party" at manalo ng pantaxi sa pusoy dos.

tapos, medyo challenging din ang kuwento. ayokong ma-preempt pero abangan niyo na lang ang your song buong month ng april. ako ang nagsulat ng apat na episodes na iyun. at talagang pinahirapan ako ng kuwentong ito. sobrang napiga ang utak ko. pero satisfied naman ako sa resulta. sana lang maganda ang kalabasan. kasi admittedly, may mga times na matapos mo paghirapan at karirin ang mga scripts mo, hindi naman lalabas the way you wanted it to. kasi madalas, magkaiba kayo ng pananaw ng director.

***

in a few hours, im meeting my utoy headwriter. magre-revise daw ako ng script. wala akong karapatang mag-complain na kakatapos ko lang magsulat ng apat na script, magsusulat na naman ako. kasi, kahit na gaano man kahirap ang script, gaano man ito kadugo, kahit na kakaibang stress ang dulot nito, at kahit na hindi ako makakapag out of town sa holy week dahil kailangan ko mag-revise... i will always choose to write. at hinding-hindi ko pa rin ipagpapalit ang writing.

Song of the Moment: My breaking heart and I agree / That you and I could never be / So with my best... I set you free - I wish you love, Rachael Yamagata

Quote for the Day: "Huwag ka ngang tanga! Alam mo ba kung ilang babae ang nangangarap na mapunta sa sitwasyon mo ngayon," nasabi ko sa isang kaibigan. May pahabol pa iyong sinabi ko, "Bahala ka na nga. Aayaw-ayaw ka ngayon, pagkatapos niyan, ngangawa-ngawa ka..."

What I learned Recently: Ang buhay ay parang pusoy dos... Magaganda nga ang baraha na nabigay sa iyo, mali naman ang diskarte mo, hindi ka rin mananalo. (shet, marami kaming words of wisdom nina mich at rose habang naglalaro ng pusoy dos, gawin ko na lang separate entry iyon...)

1 comment:

Angelo said...

natuwa naman ako sa entry na ito. kasi tungkol sa pagsusulat.