Wednesday, March 12, 2008

pasensya na...

dun sa mga tao na nag-a-add sa akin sa mutliply, pasensya na po at hindi ko ma-a-accept ang invitation niyo. hindi na kasi ako tumatanggap ng contact na hindi ko kilala.

pero salamat sa mga nag-effort na mag-sama ng message dun sa invitation nila. may iba kasing hindi ko kilala pero i-a-add ako tapos ni wala man lang note or something.

sorry uli at di ko kayo ma-a-add sa contact ko. na-trauma na kasi ako. dati, nag-a-add ako ng mga hindi ko kilala at online buddies ang relationship status namin. pero ang nakakatawa, iyong mga hindi ko pa kilala ang post ng post ng mga pictures, videos at blog entries na wala akong kamalay-malay kung tungkol saan dahil hindi ko naman sila kilala. or napupuno ang inbox ko dahil 20 posts sila per day. so di ko na masyado namo-monitor iyong mga pics, videos at blog entries ng mga kakilala at kaibigan ko.

hindi po ako isnabera. pero ayoko kasi ma-miss out iyong mga updates sa mga kaibigan at kakilala ko, dahil natatabunan sila ng mga hindi ko naman kilala.

pasensya na uli... pero welcome naman kayo dumalaw at mag-comment sa multiply at blogspot ko.

No comments: