Tuesday, March 18, 2008

praning

na-praning lang ako. kasi nakita ko sa statistics ng myblog na in one day, may 11 na tao na nag-search ng noringai sa yahoo, at anim sa google. the day before that, may lima na nag-search ng noringai sa google at apat sa yahoo. sa araw-araw na nakikita ko sa stats, hindi naman lumalampas sa lima ang nag-se-search ng noringai.

natakot ako... bakit kaya biglaang dumami? naisip ko, baka may nagsabing hanapin niyo iyong blog ni noringai, sino kaya iyong director na tinutukoy niya sa entry niya?

sa kapraningan ko, may mga entries ako na tinanggal sa blogspot, at ginawang exclusive sa multiply. feeling-gera ba ako? assuming? mabuti na iyun, nag-iingat lang. better safe than sorry.

isa pang nakaka-praning, noong nagkita kami ni sir jun lana sa lamay ni galo last week, claring asked sir jun if he still remembers me (claring and i were his students in college).

sir jun said, "oo naman. binabasa ko nga blog niyan!" hindi ako nakasagot. wala lang, hindi ko kasi ine-expect na nababasa niya ang blog ko dahil uber busy siya sa pagiging director at head writer sa gma. pano na iyong iba na hindi busy, na can afford mag internet every day, na ini-istalk na pala ako?

mamaya, isa pala dun sa inookray ko, o isa dun sa kinukwento ko sa entries ko, nababasa na ang blog ko. hay. nakaka-praning lang talaga.

buti sana kung alam ko lahat ng nagbabasa ng blog ko. eh ang iba, di nagpaparamdam. lalo na sa blogspot na di ko alam sino nagvi-visit.

either itigil ko ang pang-ookray, o itigil ko ang pagba-blog. shet, parehong mahirap gawin. hahahaha

2 comments:

Anonymous said...

Hello Ms.Noringai,

Paparamdam lang po! Sana naman wag mo itigil ang pagblog, pati yung pag okray wag na din! Parte na ng buhay yun,at mas nakakaaliw ang mga entries mo pag may inookray ka :)

Lagi ako dito sa blog mo, araw2x! Haha, nanakot pa eh! Don't worry, mabait naman ako :)

You rock! Keep on writing :)

Anonymous said...

ate noreen...

wag kang titigil sa pag susulat...

ndi complete araw ko pag ndi ko navisit blog mo. hehe..

block kc multiply dito sa ofc kaya bihira kitang ma visit don.. heheh jologs no?

ynga ka lage..

lushlips