Monday, March 10, 2008

wala na si galo

today i woke up to find 5 new text messages.. lahat sila iisa ang sinasabi: wala na si galo.

i first met galo in november during the birthday party of sir deo. pinakilala siya sa akin ni danica. my first impression of him was ang seryoso niya. pero alam ko na na isa siya sa magagaling at batikang head writer sa dos. baka lang ganun talaga siya. nahihiya pa nga ako kausapin siya. feeling ko i was not worthy to be in his company.

pero after a few minutes, ok na kami ni galo. natatandaan ko talaga na kinausap niya ako that night. may inalok siya... either yosi or beer. pero meron. tapos, buong gabi, habang kasayaw at ka-jam ko ang mga alaga ni galo sa lastikman na sina danica at eden, at iba pang writers sa deo group, nagkakasiyahan na rin kami ni galo, na parang matagal na kaming magkakilala.

i saw him again during our christmas party. back to the 80s ang theme and galo came in as the cure's lead vocalist, robert smith.

i was comfortable enough to have this picture taken with galo:

sa mga naririnig ko about him, how a good friend he was to my headwriter john, and a great mentor to danica (see danica's touching blog entry here), i secretly wished na sana maka-trabaho ko si galo. but that will never happen.

the last time i saw him was a couple of weeks ago -- sa love spell episode ko. nagulat ako to see him act. hindi lang pala siya writer, artista din pala siya. i texted him and teased about his new career. then he replied to say na napag-tripan niya lang umarte, and then he added, "ang ganda ng script mo. congrats!" essentially, those were galo's last words to me.

he was rushed to the hospital on saturday night. heart attack. galo was only in his 30s. when i learned he was in heart center, i immediately texted nix. gusto ko puntahan si galo! kaso, di ako nakapunta kagabi. then i made plans with jayson, my co-writer. pupunta kami kay galo today. rose said she would text kung makakasama siya. bago matulog kagabi, inisip ko nga, bibilisan ko ang pag-gawa ng sequence treatment para makadalaw ako kay galo. tinext ko pa si john na pupunta ako. i never expected na burol na pala ni galo ang madadatnan ko.

wherever he is now, i hope galo is in a happier place. di na niya iisipin ang deadline, o script, o revision. pero he will surely be missed. and although we weren't close, isa si galo sa mga tao sa abs na nag-iwan talaga ng malaking marka sa akin.

No comments: