Thursday, April 24, 2008

no harm done, you're under repair...

"ang hirap pala maging dalagang ina!" text ko sa barkada kong si duval noong kinukumusta niya ako isang araw. kasalukuyan ko kasing pinapasyal sa tiendesitas ang dalawang pamangkin ko, si maya at ang ate niyang si ilay (not to be confused with my friend ilai). five days na silang nagbabakasyon dito sa manila. two weeks pa bago sila uuwi ng davao.

mahirap palang gumising ng maaga para magluto ng kakainin ng mga bata. mahirap palang asikasuhin iyong mga labada nila. mahirap palang pumasyal na hindi napapa-praning kung bigla na lang silang mawala o may dadampot sa kanila. mabigat pala sa loob iyong iiwan mo sila sa bahay dahil kailangan mong umattend ng meeting, at nagwo-worry ka kung ano ginagawa nila habang hindi mo sila kasama... at siyempre, magastos!

inulit ko ang statement ko noong nagkausap kami ni clarissa noong isang gabi. "mahirap pala maging dalagang ina..." but may kasunod iyun... "pero napatunayan ko na kaya ko pala."

bwahahahaha. joke lang.

***

pumunta kami sa arc avilon sa may tiendesitas. lahat ng hayop na andun, they come in pairs. maliban na lang sa orangutan. nag-iisa lang siya. kaya ayun, nagpa-picture ako na yakap-yakap ng orangutan. kawawa naman. :)

***

last night, i was reading the article in Yes magazine about gretchen. nabasa ko doon ang nangyari sa kanila ng best friend niyang si nadia. hindi na sila best friends ngayon. ang hirap pala talaga kapag iyong kaibigan mong akala mong magtatanggol sa iyo ay siya pa ang naninira sa iyo. iyong kaibigang pinagkakatiwalaan mo at alam buong kwento ng buhay mo, siya pala ang sasaksak sa iyo sa likod. they were friends since grade school, they were there for each other for more than 20 years, takbuhan kapag may problema, kasama sa mga masasayang alalala. and they ended up saying hurtful things to each other, nagmumurahan at nagbabatuhan pa ng bote ng mineral water.

ang sad lang. sayang ang friendship. ang nagagawa nga naman ng isang taong may mental disorder sa kanyang mga kaibigan...

Song of the Moment: No harm done, you're under repair - Imago

What I learned recently: Confirmed na ang director ng Dyosa... si Direk Wenn. Confirmed na rin daw ang dalawang leading men na sina Sam at Luis. Wish ko lang si Zanjoe ang pangatlo pero hanggang pangarap na lang iyun. :(

No comments: