Wednesday, April 30, 2008

noong araw na makausap ko si zanjoe


finally, my wish came true! my prayer was answered.


ang galing talaga ni lord. ang galing talaga ng tadhana.


kaya pala hindi siya naging si kulas. kasi he is meant for another role.


monday pa pala na-email sa akin ng EP iyong cast ng isang show, hindi ko binuksan kasi i was busy (dumating kasi parents ko). noong martes, habang nagme-meeting, dun ko lang na-open. at dun ko nakita ang ... "zanjoe marudo (confirmed)."


napa "oh my god!" ako. totoo ba ito? hindi ako makapaniwala. kung kelan tanggap ko na na hindi siya makakasama sa show, saka ko malalaman na matutupad pa rin pala ang pangarap kong makagawa ng script para sa kanya. parang too good to be true.


at heto ang talagang hindi ako makapaniwala.... kailangan i-present ang story kay zanjoe. and guess who was asked to do it???


***


kanina was my first time to present a story/concept/show to a star. at si zanjoe pa ito! apat lang kami sa conference room -- ako, si zanjoe, iyong EP ko saka iyong handler ni zanjoe.


nasa elevator pa lang ako, kinakabahan na ako. i asked my headwriter kung ano sasabihin ko? pano ba mag-present sa artista? ano ba ang dapat gawin? excited para sa akin ang buong team. lahat sila sinasabing mag-make up daw ako. magdala ng camera at magpa-picture. pati EP ko sinabi sa akin, i-kiss ko daw si zanjoe pagdating. nakakaloka.


so ayun na nga... dumating na si zanjoe at ang handler niya. pinakilala sila sa akin. kinamayan ako ni zanjoe. umupo siya sa harap ko. kuwentuhan sila sandali ng EP ko and then kailangan ko na i-present sa kanya ang kuwento.


kinuwento ko sa kanya ang tatakbuhin ng character niya. kung anu mangyayari sa kanya mula sa umpisa hanggang sa ending.may mga tanong siya. sinagot ko. may mga tinanong ako sa kanya. sinagot niya. kuwentuhan na.


nagpunta pala siya sa manaoag, ipininagdasal nya ang concert nila, at ang mga shows niya. after niya mag manaoag, ayun, napasama siya sa show namin. sabi ko sa kanya, pinagdasal din siya ng mga writers (oo, dinamay ko na mga kasama ko. nakakahiya naman kung sasabihin kong ako lang ang nagdasal para sa kanya). at sinabi ko na gusto talaga namin siya para sa role.


***


so after ng ilang minutong chikahan, natapos na ang presentation. nag photo op kami. ambango niya, shet! tapos, nagpaalam na sila. aba, kung kanina nakipag-kamay lang... noong paalis na, lumapit na sa akin at nag-kiss. syempre, kunwari di ako affected.


may isa pa akong good news na nalaman tungkol kay zanjoe. pero confi pa ata so ayoko i-preempt.


tapos a few minutes ago, i learned another good news tungkol sa utoy.


napaisip nga ako eh. shet, ang ganda ng araw na ito. sunod-sunod na magagandang pangyayari at balita.nakaka-praning kung ano mangyayari bukas. ganun daw iyun di ba? kung sobrang saya mo ngayon, magiging sobrang lungkot ka bukas....


pero ayokong i-spoil ang aking happiness. kebs na lang. basta masaya ako dahil nakausap ko si zanjoe. makakapag-sulat ako ng script para sa kanya. not once, but twice! :)


note: kuha iyang picture na iyan kanina. di ko na nilagay iyong pic na magkasama kami. mukha akong tanga. bwahahaha


1 comment:

Anonymous said...

this is it...

dream come true!!

:D

pwera usog!

mwah!

lushlips