Thursday, April 10, 2008

panalangin

lord, alam nyo naman na ngayon lang ako hihiling ng mababaw. ngayon lang uli since 1996, noong nagdasal ako na sana mag-grand slam ang alaska (na dininig niyo naman, thank you po.)

iyong kaibigan kong si danica, may dasal siya tungkol kay gabby concepcion. ako naman, magdadasal ako tungkol kay kulas.

sino si kulas? kilala niyo na siya. at kilala siya ng mga kasamahan ko sa show namin na di ko muna sasabihin.

si kulas ang character na dapat sana ay para dun sa kinababaliwan kong actor. pangarap ko talagang makagawa ng script sa kanya. at akala ko ay matutupad na iyun dahil siya ang gaganap na kulas.

kaya nga inspired ako sa pag-gawa ng character sketch. ginawa ko ang character na siya ang nasa isip -- hobby niya ang maghubad. kapag naghahamon siya ng away ay hinuhubad niya agad ang t-shirt niya. tapos wagas at dalisay ang pagmamahal niya dun sa bidang babae (na talagang nakaka-tibo ang ganda at kaseksihan). at iniisip ko pa lang ang eksena nilang dalawa, kinikilig na ako. may isang eksena pa nga ako na na-imagine, at medyo naluha na ako dahil dama ko ang pagmamahal ni kulas.

tapos mababalitaan ko na hindi na siya ang magiging kulas. ibang artista na. okay lang sana e basta nasa show pa rin siya. kaso, hindi na daw siya kasama. gumuho na ang pangarap ko.

kasalukuyan kong ginagawa ang powerpoint presentation ng show. andun na ang ibang leading men na prino-propose para sa bidang bida. nilalagyan ko na ng mga litrato ng mga artista iyong mga major at minor characters. at nakakadama ako ng lungkot. kasi akala ko, makakasama dito si kulas ko.

kaya lord, ngayon lang uli ako magdadasal ng mababaw. alam ko maraming dasal ang mas importante, mas maraming mabibigat na problema na kailangan pagtuunan ng pansin. pero lord, baka lang pwede maisingit... sige na... sana, magka-milagro. sana bumalik si *toot* sa show bilang kulas. sige na lord. kapag ginawa niyo iyon, maraming babae at bading na magbubunyi. bagay na bagay siya bilang kulas. bagay na bagay siya sa show na ito.

sige na lord.

pramis, hindi ko na siya huhubaran sa mga eksenang isusulat ko. at pramis, di ko na aawayin si maybelle20 (kahit na siya naman nagsimula). at di na rin siya aawayin ng mga kaibigan ko at readers ng blog ko (na ginawa iyun on their own volition).

salamat, lord.

No comments: