Tuesday, April 15, 2008

random rambling

grabe, wala ako sa mood mag blog pero ang daming kuwento, kaya heto, type lang ako ng type kung anu una pumasok sa utak ko...

maybelle20 deleted the comments she wrote in my blog. hindi niya pala kayang panindigan ang mga pinagsasabi niya. ayun, blinock ko na siya sa site ko.

this is my fourth night in discovery suites. thanks to my high school friend, cheryll, hindi masyadong mainit ang summer ko. tomorrow is my last night here.

watched pda-the company concert last saturday. highlight of my night: a kiss from chad. bwahahaha. tinext ko si direk j about it, dinedma ako. siguro kinakahiya niya ang ka-cheapan ko. :D

had fun with peyups oldies last saturday night. kahit na katumbas nun ay isang script sa show na iniwan ko agad kahit di pa tapos ang meeting. (hai kailangan ma-upload na ang pictures, nakaka-pressure!)

spent three nights in a row with high school best buds, ilai and che che. watched pda in music museum last saturday. went to market! market! and serendra on sunday and set a dinner with high school batchmates in megamall last monday. (na hindi ko na-attendan dahil sa inabot ng 10pm ang meeting ko sa fantaserye. humabol na lang ako sa coffee sa podium with ilai and che.)

ang daming pictures na kailangan i upload. sensya na... sana ma upload ko na sila soon.

napapansin na ako ng mga co-writers ko sa show tungkol kay kulas. talagang sinisingit ko siya sa mga eksena. dapat every episode ay may nangyayari sa kanya. obsessed nga daw ako kay kulas sabi nung CM namin. dapat i-detach ko na sarili ko kay kulas kasi hindi naman si *toot* ito. hai.

mataas ang ratings ng your song last sunday. may nag-congrats sa akin pero sabi ko, mostly sa headwriter ko iyong episode na iyun. saka, ang daming binago ng director sa mga eksena. medyo hindi ko lang nagustuhan na may mga scenes akong sinulat (parang reaction scenes ng mga characters after they had sex for the first time) na hindi naisama. siguro overtime na. pero still, 12.4% kami. at 12.4% din ang kalaban namin. yey! sana next episode, ma-sustain ang rating, o kaya mas mataas pa.

kaso di ako nagsuweldo. huhuhu. kaya tag-hirap muna ako. utoy lang ang pumasok sa suweldo ko. sa susunod na suweldo pa iyong galing sa your song. pero oks lang at least, malaki-laki din un. at kung kasabay pa niya ang week 5 ng utoy, shet, pinakamalaking suweldo ko na iyun sa dos. pambabayad ko lang ng card. :(

magwa-one year na si nico, ang laptop ko. :)

darating si maya at ang ate niya next week. so medyo busy-busy-han muna ako sa pagiging tour guide sa kanila. magiging nanay for a month ako. isang malaking good luck kay maya sa paglinis niya ng kuwarto ko...bwahahaha. child labor ba iyun?

umulan noong monday. may bagyo daw somewhere. shet, tapos na ba ang summer? di man lang ako nakapag-beach :(

ang dami ko ng nami-miss. miss ko na si rose, si mich at ang aming "poker" nights. miss ko na mag lock in. miss ko na mapuyat dahil sa pagsulat ng script. miss ko na kumain ng chicharon (dalawang beses na nasisira ang wire ng braces ko dahil sa apple at sa katsudon). miss ko na ang frozen margarita. miss ko na ang videoke with cel and jan. :( miss ko na ang bespren kong si bim. miss ko na si direk j. miss ko na ang grey's anatomy. miss ko na tumambay sa bahay nina ibiang. miss ko na mag boxing. at miss ko na ang sahig ng kuwarto ko... di ko na naman makita dahil sa kalat. hai.

alas dos na ng madaling-araw. kailangan ko na matulog. kailangan ko pa samahan si che che mamaya sa buffet breakfast. di daw siya sanay kumain mag isa. noong first day (sunday) ay napilitan akong bumangon ng 8am para sumama sa kanila ni ilai mag breakfast. noong second and third day, di na ako sumama. mas gusto ko pa matulog kesa kumain. eh mamaya, nakiusap siyang samahan ko siya. goodluck. gigising ako para kumain tapos matutulog ako uli. ang baboy!

song of the moment: touch my body by mariah carey

quote for the day: "today i realized... hindi man ako laging masaya, lagi naman akong masarap," isang forwarded text message na nagpatawa sa akin ng malakas.

what i learned recently: nananalo na ang palos sa ratings. congrats kay nix! napanood ko kanina, ang gripping niya, huh! nakaka-hook :D

1 comment:

Anonymous said...

pssst.. "had fun with peyups oldies last saturday night" -- hindi ba friday night yun? =D

pressure, picture, pressure! harhar!

jsm

P.S. sa sobrang tagal ko na di nagblo-blog, 5 na tries na, di ko pa din nahuhulaan yung username ko! argh!

darn! mali pa din.. anonymous na nga lang! hehe..

jsm