Friday, April 18, 2008

too much love will kill you

kasalukuyan kaming naglalamyerda ni claring sa megamall nang mag-text sa akin ang headwriter kong si john.

"patay na si aling lucing," sabi ni john.
"sino si aling lucing?" sagot ko.
"sisig queen. pinalo ng martilyo sa ulo. maraming saksak sa katawan."
"hala. may commercial lang siya, di ba? ano un, ninakawan?"
"ninakawan. pero suspek asawa niya for 60 years. may hangganan talaga ang pagmamahal. lumalamig din tulad ng sisig."
"ang sisig kapag nasobrahan, masama sa puso... nakakamatay."
"too much love like sisig will kill u..."

heto ang buong blog entry ni john tungkol kay aling lucing.

***

looks like ibang artista na talaga gaganap na kulas. hai. sige lang, kulas, may ibang pagkakataon pa.

tanggap ko na. mahirap sa umpisa pero keri na rin. ganyan talaga ang buhay. di lahat ng gusto mo ay nabibigay sa iyo. di lahat ng dasal mo ay sinasagot, siguro dahil sa may mas magandang nakahanda para sa iyo.

***

kinuwento ni john na may isang eksena daw sa maligno na dinilaan ng demonyo ang tv screen. may isang taga-abs daw na ginaya... ayun, nakuryente. kaloka!

sa mga friends ko sa abs, kilala niyo ba kung sino iyun? ayaw sabihin ni john kung sino eh.

***

naglilinis ako ng kuwarto. two days na. nagpadala nga ako kay ilai ng mms ng kuwarto ko and she answered, "good lord! ano iyan, bodega?"

nakaka-apat na trash bags na ako... marami pang kailangan itapon. di bale... malilinis din ito. feel ko nga rin kantahin ang "kuwarto" ng sugar free....

"magpapaalam na sa iyo ang aking kuwarto..."

song of the moment: kuwarto by sugarfree saka too much love will kill you ng queen

quote for the day: "lahat ng labis ay masama," comment ko sa blog entry ni john.

what i learned recently: $250 lang daw ang wii sa US. darating ang parents ko next week. sabi ni claring, magpabili daw ako ng wii para may mga boys na tatambay sa condo namin. pano iyan, ayoko ng boys eh, gusto ko ng men... hehehehe

No comments: