Tuesday, April 8, 2008

wedding crashers

earlier, clarissa and i were so bored that we decided to crash a wedding... twice!

the wedding took place in the pool area/club house of our condo. we wanted to swim sana pero may nakalagay na announcement na naka-reserve ang pool area at club house for a wedding. dahil wala kaming magawa, we checked out kung sino naman magse-celebrate ng wedding reception sa pool area ng condo. na-weirduhan lang kami. bakit dun? wala na ba silang makitang lugar? memorable ba sa kanila ang pool area at club house? dun ba sila nagkakilala kaya dun sila ikakasal?

dalawang beses kami pumunta sa kasal. ahehehe. at grabe, di lang kami ang naki-usyuso. may mangilan-ngilan ring residents na nakaupo sa gilid at nanonood ng kasal. and iyong mga units sa building na nakapaligid sa pool area, may mga sumisilip din. bored din ba sila? or curious lang?

two years ago, i celebrated my birthday party sa pool/club house. sabi ko, ka-level ko na iyong couple na kinasal. sila, wedding. ako, birthday party lang. bongga.

***

speaking of ka-level... ka-level ko na pala si kc concepcion. ahihihihi. iyun ang sabi ni direk jerry sineneng. nanonood kasi kami ng august rush sa laptop ng EP namin. eh di nila marinig so nilabas ko iyong mini-speaker na niregalo sa akin noong pasko (salamat, sally!). lahat sila na-impress sa maliit na speaker, na ang lakas-lakas ng audio. they all asked me san ko nabili. gusto rin nila ng ganun. sabi ni direk jerry, may ganung speaker din daw si kc.

"ang taray, ka-level mo na si kc," he told me.
"ay talaga? magkaka-richard gutierrez na rin ako?" i replied.

(o, baka mag-react na naman si maybelle20 at sabihing ilusyonada at ambisyosa ako... ahehehehe)

***

i realized that i will be having a full weekend -- dinner and inuman with peyups oldies on friday, concert on saturday, dinner with high school batchmates on sunday.

tapos ilang araw akong makikitulog sa discovery with my high school friends, ilai and che che. ang saya! magba-bubble bath ako araw-araw.

pero pangarap ko talaga ang mag-beach. di na ako natuloy mag baguio! hai. sana matuloy iyong plinaplano ng co-writer kong si jayson ng beach. hai. oist, danica, eden, john -- ituloy natin to ha!

grabe am so bored... pero hanggang pag-crash lang naman ng wedding ang ginagawa ko whenever im bored. di naman ako gagawa ng fake multiply account at magco-comment sa mga entries ng mga tao at aawayin sila.

hay naku, nakakainit talaga ng ulo ang mga ganitong klaseng tao. pero tama na... di na ako magpapaka-apekto ng ka-negahan ni maybelle20 -- kung sino man siya!

Song of the Moment: Low by Flo-rida

Quote for the Day: "No matter how painful your decision has been, as long as you can sleep well at night... it means that you made the right choice," forwarded text message sa akin ni ilai. :)

What I learned recently: Marami palang nagmamahal sa akin -- salamat kay Claring, Rina, Ilai, and Kareen na pinagtanggol ako kay maybelle20. Pati na rin kay Mich, na nagsabing mahirap makipag-laban sa bobo at kay John, na kasama ko noong nabasa ko ang comment ni maybelle20 at mas nanginginig pa ang panga sa galit. Special mention kay shegothim, na hindi ko kilala at hindi ko kaano-ano, pero nagmalasakit pa rin at pinagtanggol ako. At sa iyo maybelle20, wala man akong boyfriend, i am living a full life because i have true friends! Eh ikaw kaya?

No comments: