Thursday, May 1, 2008

the day after...

it has only been a day but the elation brought by the zanjoe experience has already eluded me...siguro dahil sa pagod ako. pagod na pagod.

i have to attend 8 meetings in 4 days for 3 shows. ang pinakamaikling meeting ay 4 hours at ang pinakamahaba ay 14 hours. tapos we have to finish 7 weeks of sequence treatment in 4 days.

kaya ayun, kulang na kulang ako sa tulog.

next week, magsusulat na ako ng script. kailangan matapos in two days. may lock in pa kami.

nabanggit ko ba na andito na parents ko from the US? tapos andito pa rin dalawa kong pamangkin from davao. ni hindi ko na sila nakakasama dahil sa trabaho ko.

nagkasakit na ako noong monday dahil sa stress, huwag na sanang maulit. wala akong tulog nun dahil may deadline tapos kailangan ko sunduin ang parents ko sa airport ng alas singko ng umaga.

i am not complaining, lord. nagpapasalamat po ako sa mga blessings na ito. sunod-sunod na dumating. humihingi lang ako ng tulong. lord, give me strength.

huwag sana akong makatulog sa presentation ko kay luis manzano mamayang tanghali... huwag sana akong magkasakit uli. huwag sana akong maubusan ng maisusulat at maiisip. sabi ko sa mga tao, iyong perang kikitain ko sa mga shows ko, baka pambayad ko lang ng hospital bills ko. huwag naman sana...

No comments: