Saturday, May 17, 2008

a day with zanjoe

i'm supposed to be finishing a script pero hero i am, recounting every detail that happened yesterday, when i spent 13 hours with zanjoe.

nagising ako ng 8am dahil tinawagan ako ng EP ng your song. kailangan daw ako ni direk trina sa taping. 8am!!! eh ang pinakamaagang gising ko lately ay 12 noon. waking up at 8 am was something new to me. pero para kay zanjoe, este, para sa show, sige. sabi ko nga di ba, basta mahal mo, magtitiis ka.

10am, nasa edsa na ako, nag-aabang ng bus papuntang bicutan. 10 minutes akong naghintay! bihira pala ang aircon na bus papuntang bicutan. at leche, ang taas ng sikat ng araw! muntik na akong sumakay ng ordinary. grabeng sakripisyo iyun. ang mantra ko, "para kay zanjoe... para kay zanjoe... para kay zanjoe..."

buti na lang may dumaang aircon bus, na hindi pa ako nakitang pumara kaya medyo hinabol ko pa. trapik sa edsa. at habang nababangga ako ng mga nagbebenta ng mani at c2 sa bus, inulit ko na naman ang mantra ko. "para kay zanjoe... para kay zanjoe... para kay zanjoe..."

pagbaba ko ng bicutan, kailangan ko maglakad sa ilalim ng araw para makarating sa sm. ang init! ang layo. naaalala ko dapat di ako mainitan kasi galing lang ako derma the day before. nakalimutan ko na ang mantra ko. "putsa, ayoko na magmahal. bakit ko nga ba ginagawa ito?"

1130 am, sinundo ako sa sm bicutan at nakarating ako sa location. kasalukuyang nag-sho-shoot ng eksena. nakita ko agad si zanjoe! nasa may pinto, naghihintay ng cue para pumasok. then he saw me. he smiled at me! siyet, naalala niya ako.

"ikaw ba dito?" he asked, referring to the episode of your song.
"oo," i answered.
"lahat?"
although three weeks lang original na sinulat ko, ako naman din nag-rewrite ng weeks four and five so sinabi ko, "oo... lahat."
"sinadya mo ba iyun?"
(alin? iyong mga eksenang pinaghubad kita? oo, sinadya ko iyun)
"alin? iyong mga madramang eksena? oo... ayaw mo nun, mapapakita mo ang acting prowess mo."

humirit siya, hindi ko na matandaan kung ano, and then nag-simula na ang shoot.

text ko sa mga kaibigan ko, sulit na ang pagod ko papuntang location! nakilala ako ni zanjoe, at kinausap. okay na ako.

12nn, umakyat ako sa second floor ng bahay at nakipag-usap sa EP. maya-maya ay umakyat din si zanjoe, naupo sa tabi ko at nagtanong tungkol sa dyosa. kuwentuhan na kami about dyosa. naghubad siya ng medyas at sapatos. kuwentuhan pa rin kami. then i mentioned na i was there kasi pinatawag ako ni direk for revision. (di ko maamin na siya talaga main reason bakit gusto ko manood ng taping.)

"ano ang ire-revise mo sa script?"
"hindi ko alam kay direk. baka gusto niya dagdagan pa ang dramatic scenes mo," i kidded.
he smiled, "ang dami na nga eh... grabe iyong gagawin ko di ba? papatayin ko pa si _____."
"ay hindi naman, gusto mo lang patayin pero hindi matutuloy."
"saka grabe iyong mga dialogues ko..."

then tinawag na siya for the next scene. kailangan ng costume change! hulaan nyo what happened next... oo, naghubad siya ng t-shirt sa harap ko. bwahahahaha. then he went down para mag-take na ng eksena.

i turned to my EP and said, "beeg, okay lang alipinin niyo ako... bawi na."

1230 pm, kausap ko na si direk trina tungkol sa revision. sa tabi namin, nag-uusap si zanjoe at iyong AD. naririnig ko, nagkukuwento siya tungkol sa dyosa. tungkol sa character ni anne. tungkol sa show.

1pm, nilapitan ako ng SP. ipapakilala daw niya ako kay zanjoe. told her, "ay ms mae, magkakilala na kami. nag-uusap na nga kami." o diba, ang taray!

3pm, di na ako nahiya. naglabas na ako ng digicam at kumuha na ng picture. para hindi obvious, kunwari silang dalawa ni jairus kinukunan ko. tapos kunwari kinukunan ko ang taping, ang mga staff. ang production.

330pm, nagpa-picture ang SP with zanjoe. sabi ko ako din. noong magkatabi kami ni zanjoe at kinukunan na kami ng picture, sabi ko sa kanya, "sa tuwing nagkikita tayo, nagpapa-picture ako sa iyo," natawa siya.

4pm, nagtatalo kami ng EP tungkol sa ending ng kuwento. gusto niya magkatuluyan si miguel at si babae. gusto ko maghiwalay sila. mahabang debatehan ang nangyari.

430pm, habang nakaupo ako sa may poolside, dumating si zanjoe, nagyosi. then he asked, "gusto nila magkatuluyan kami ni ----?" sabi ko ipaglalaban ko na hindi magkatuluyan. then usap na kami about the ending. tinanong ko siya, kung siya yun, ano gagawin niya. sabi niya, ayaw rin niya.

the EP joined us. nagtalo na naman kami. zanjoe said, "ganun talaga kapag nagmahal, kahit anong gawin sa iyo, tatanggapin mo." tapos may kinuwento na sya. nangyari daw sa kaibigan niya. tapos mahabang diskusyon na tungkol sa love, forgiveness and second chance.

then he asked, "na-experience mo na ba iyan kaya mo pinaglalaban ang ending?"

di pa rin kami magkasundo sa ending. zanjoe said, "ganito na lang, magpa-text tayo. ano ang gusto niyo mangyari sa ending?" natawa kami.

dumating ang director. nagtatalo na naman kami. iba-iba kami ng ending na gusto. then zanjoe said, "ako na... ako na magde-decide." nakulitan na siguro sa amin. bwehehehe

the rest of the day, habang nagte-taping sila, kuha ako ng kuha ng pictures niya na hindi niya alam. stolen, kumbaga. tapos may mga small talks with him. tapos aliw kasi one time, tahimik sa bahay, paakyat si zanjoe, bigla siyang kumanta ng gulong ng palad. anlakas ng boses. naloka ako. "ang buhay ay, gulong ng palad..."

730pm, dinner time. magkakasama kami sa isang lamesa. zanjoe, ako, ang director, at ang PM. comment ng PM, "bawasan na natin iyong mga eksenang kinakausap nila iyong comatose. kasi lagi silang bumabalik sa hospital tapos paulit-ulit na lang nilang kinakausap at tinatanong."

then humirit si zanjoe, "hindi kasi sila sinasagot (noong comatose) kaya paulit-ulit nilang tinanong." natawa ako i swear. or mababaw lang ba talaga ako dahil si zanjoe ang nag-joke?

9pm, may eksena sa masters bedroom na shirtless si zanjoe. eh nahiya akong pumunta dun para kumuha ng picture. so binigay ko ang camera sa EP ko at siya ang kumuha. (sorry, di ko ipo-post ang mga pics na iyun... bwahahaha)

10pm, kausap ko ang director. pinapabago niya ang dialogues. so sulat-kamay kong ginagawa ang sasabihin ni zanjoe at angelica.

1030pm, pinapanood ko ang eksenang kakasulat ko pa lang. dramatic! ang intense umarte ni zanjoe. umiiyak siya.

12midnight, katabi ko ang EP ko, tinitingnan niya ang digicam ko. my EP said, "hindi naman obvious na crush mo si zanjoe!" eh si zanjoe, nasa harap lang namin, mine-make up-an. lumingon si zanjoe and said, "patingin!" nagulat ang EP ko. "andyan ka pala!" nahiya ako. ayoko ibigay digicam ko kaso pinagkanulo ako ng EP ko, inabot kay zanjoe. so tiningnan ni zanjoe mga pictures sa digicam ko.

"hindi ako kumuha ng iba diyan," sabi ko, defensive. "nagre-revise lang ako ng script dito, wala akong alam."

"nagmalinis ka pa," sabi ng PM sa akin, as she and zanjoe looked at the picture.

shet, nakita ni zanjoe mga stolen shots ko sa kanya. pati na iyong shirtless siya. nakakahiya.

pero bumawi ang EP ko, kinuha niya ang digicam ko at sinabing, "dali, aanguluhan ko kayo." siya kumuha ng picture na iyan. after niyang kunan, tiningnan ni zanjoe, naaliw naman siya. lalo naman ako!!!

1230mn, kumakain na kami ng midnight snack. nasa harap ko si zanjoe. hindi na ako makatingin sa kanya. hiyang-hiya na ako. waaaaah.

1am, nagpaalam na ako. dapat magste-stay ako hanggang 5am pero nahiya na ako. sabi ko sa director at sa EP ko, magsusulat pa ako kaya uuwi na ako. di na ako nagpakita kay zanjoe. wala na akong mukhang maihaharap sa kanya.

dahil sa taranta, at kahihiyan. naiwan ko ang cellphone ko sa taping. pati na rin iyong leather case ng digicam ko. buti na lang may extra phone at extra sim pa ako.

text ko sa mga tao, " i left my phone with zanjoe. dito niyo muna ako i-text." syempre ang daming naniwala. bwehehe. di ko naman naiwan kay zanjoe ang phone. naiwan ko sa kung saan nagte-taping si zanjoe. at naiwan ko dahil kay zanjoe.

may tatlong taping days pa. gusto ko man pumunta uli, di ko yata kayang harapin si zanjoe. baka matakot na sa akin. baka isipin obsessed ako. bwhahahaha.

iyun lang. ayan, inspired na akong gawin uli ang script... nakagawa na ako ng entry tungkol sa kanya. ipo-post ko ang pictures kapag natapos ko na ang deadline ko. :)

5 comments:

amee said...

*kilig*
thank you for sharing.

Nadz said...

hahahahaha! your experience is sooo funny! he is such a cool guy! wag kang mahihiya; wala sa kanya 'yan! ;P

tea_time said...

SHUUUUUXXXXXX super mega inggit ako sa iyo! Galing kami ni Lhannie sa ASAP today at binati kami ni Zanjoe. Grabe ang guwapo talaga. Tapos noong commercial break, the audience wanted more from him, at pati mga artists nag-chant with the audience ng "Zanjoe! Zanjoe!" Gustong ipaulit ang sayaw niya! Bisita ka ulit sa web site natin for the kuwento. Nothing beats your kuwento, though. SHUXXX ang lapit lang ng Merville sa house ko pero my God ang laki naman ng Merville, malay ko where the taping was. Suwerte mo talaga. For the love of Zanjoe talaga tayo. Dami na rin naming ipinagtitiis for him, but he's so lovable. Congrats super sa 13-hour experience mo! Galing! ♥

meann said...

hahahaha. tawang tawa ako habang nagbabasa. kahit di ako zanjoe fan, go lang ate noreen! more zanjoe kwento! hehehehe :D

noreen said...

AMEE, walang anuman :)
NADZ, mukha ngang wala lang sa kanya yun. pero diyahe pa rin.
TEA_TIME, nabasa ko post mo sa zanchillers. ang saya naman ng asap experience nyo! :D
MEANN, surely! more kwento abt next taping uli, kapag kumapal ang mukha ko at pupunta na naman ako hehehe