Tuesday, May 27, 2008

i'll take care of you



This June, watch a different kind of love story in
YOUR SONG PRESENTS I'll Take Care of You
Starring Angelica Panganiban, TJ Trinidad,
Wendy Valdez and of course, Zanjoe Marudo.
Directed by Trina N. Dayrit.
All Sundays of June, starting on June 1 at 3pm.



Pagkatapos ng ilang gabing pagpupuyat, pagsusulat at paghihirap... Matapos kong makipagsagutan sa headwriter, ma-imbyerna at maiyak because of pagod and frustration ... ipapalabas na ang favorite your song episode ko...

Bakit ko siya favorite? Kasi I wrote all the five scripts. First time ko na magsulat ng lahat ng episode in one month. And after two years of being in the show, first time ko maging writer on the set -- iyong hinihintay na ng artista ang dialogue na sasabihin nila, sinusulat ko pa lang. Iyong nagtatalo kami ng director kasi di kami magkasundo sa eksenang isho-shoot niya. Iyong nakikipag-puyatan ako with the rest of the staff and crew. Pero keri na rin dahil nag-bond ako with them, at syempre, enjoy ako with Zanjoe.

But wait... there's more... sa episode na ito, hindi lang ako writer, naging talent pa ako. Hindi ko na sasabihin anong week ako naging "extra" pero dalawang eksena din iyun. Abangan! Hehehe

No comments: