Friday, May 30, 2008

kung ikaw ay isang panaginip...

parang kelan lang, noong makita ko siyang kumakain ng banoffee pie , pinagpawisan na ako kahit malamig sa starbucks.

parang kelan lang, pinangarap kong maging artista sya at pinagdasal ko pa na sana maging si kulas siya.

and then finally, dininig ni lord ang dasal ko. hindi man siya naging kulas, naging artista ko pa rin siya. not once, but twice.. tapos, nag-present pa ako sa kanya at nakilala ko siya.

akalain mo iyun. nakakasama ko na siya sa inuman. nag-lolokohan na kami. kinukuwentuhan na niya ako ng mga kung anu-ano. nililibre na niya ako ng beer at sisig. nag-aadvise na ako sa kanya tungkol sa career. binigyan pa ako ng t-shirt. ibang level na ito!

he wasn't supposed to join us last night. when i arrived sa taping after my meeting, nakita ko sa taping guide na patapos na ang mga eksena niya. hindi na sya kasama sa next location. noong nakita kong nagpaalam na siya umuwi ng mga midnight, i asked him, "aalis ka na?" he replied, "ano pa gagawin ko?"

the staff prodded him to join us. i even said, "last taping day na naman eh, sumama ka na." someone said, "inuman muna tayo!"

i never expected na sasama siya. pagod na sya dahil umaga pa lang nagte-taping na siya. tapos, wala pa siyang map noong 2nd location, wala kaming number niya. if he gets lost, wala na kami way to contact him.

pero nagulat ako when i was on my way to the cr, nakita ko na dumating siya. hindi niya kami nakita. sabi ng EP ko, "ang sweet naman, kahit naka-pandong lang ng panyolito, pumunta pa dito..."

pagkagaling ko ng cr at pabalik na sa lamesa namin, narinig ko he asked, "si noreen?" then i shouted, "uy! you're here!" he turned to me and said, "ayaw mo?" ang sagot ko, "wow. ang saya-saya naman. andito ka..."

so ayun. two hours kaming nagkasama sa inuman. iyong hindi lang trabaho. iyong may ibang mga bagay din na pinag-uusapan. he shared info about a movie project and his hesitations, his frustrations dahil sa pagkawala ng isang project sa kanya, his feeling nung naka-eksena niya si maricel, kung ano pa gusto niya mangyari sa career niya.

last day na ng taping kagabi. di ko alam kung mauulit iyong inuman ko with him. hindi ko nga alam kung magkakausap pa kami or what (unless tumambay ako sa dyosa taping na malabo kong gawin).

pero para sa akin, enough na iyong mga panahon na nagkasama kami. enough na iyong lahat ng nangyari. kung mauulit man o madadagdagan, eh di ayos... pero kung hindi. masaya na rin ako. :)

pahabol: lumabas na ang press release ng your song. iyong pangalan lang ng headwriter ko ang nakalagay na written by. pero keri lang. kasi for those people who matter, they know na ako nagsulat ng limang episode na yun. keri lang.

1 comment:

tea_time said...

I'm so happy for you *sigh* up close and personal ka na talaga kay Zanjoe. Ang bait naman niya na pinagbigyan niya ang staff.

Ano'ng t-shirt kaya yun? 'Yung sa amin, naawa siguro nanay niya, naambunan kami ng I ♥ ZM na t-shirt. Ginawa naming uniform noong premiere ng "You Got Me" sa SM Megamall.

"he shared info about a movie project and his hesitations, his frustrations dahil sa pagkawala ng isang project sa kanya, his feeling nung naka-eksena niya si maricel, kung ano pa gusto niya mangyari sa career niya."

Wow. A movie project, but with hesitations? Nakakaintriga. Nanghihinayang siya sa upcoming soap ni CB with GC, right? Ano feeling niya kapag ka-eksena niya si Inay? I really hope tumagal siya nang matagal na matagal sa career niya.

"pahabol: lumabas na ang press release ng your song. iyong pangalan lang ng headwriter ko ang nakalagay na written by. pero keri lang. kasi for those people who matter, they know na ako nagsulat ng limang episode na yun. keri lang."

Na-sad ako doon. OK lang ba if i-promote ko sa ibang fora na ikaw ang writer? Puwedeng tanungin ang EP mo ng, "Where is justice in this world?" Hmp.