Saturday, May 10, 2008

mula ngayon...

...hindi na ako magba-blog sa blogspot tungkol sa mga shows ko, at sa mga casts ng show na nakikilala at nakakausap ko.

...sa multiply na lang ako magba-blog at exclusive na sya sa mga friends ko. (don't bother adding me up sa multiply. for the nth time, hindi na ako nag-a-accept ng hindi ko kakilala).

...iiwasan ko na rin magpo-post sa peyups at magkuwento ng kahit ano tungkol sa mga shows ko.

***

this is a personal blog. oo nga, open to the public siya pero sana lang huwag ako basta-basta iko-quote sa mga forum tulad ng pex at ilalagay pa ang url ko.

parang kelan lang, free akong mag rant tungkol sa kung saan at alam kong tanging mga kaibigan ko lang ang nakakabasa. ngayon, bawat kuwentong isusulat ko sa blog ko, wala pang 24 hours, ayun, nasa pex na ang blog entry ko, pati na ang url ng blog ko. at kung sinu-sino na nagpupunta sa site ko.

i appreciate the posts sa blogboard. pero hindi po ito tambakan ng mga reklamo niyo na gusto niyo o hindi iyong director, na ayaw nyo sa cast, or kung ano pa man reklamo.

this blog is my outlet, my personal "tambakan" of angsts and raves. this is for my friends whom i haven't seen in years, at nakakakuha lang ng update tungkol sa akin through this. this is for those who have been with me since my blogcity and peyups days.

gusto kong ibalik sa dati. at dahil public blog ito at di ko na mapipigilan ang mga taong i-quote ako at i-post sa pex ang entry at url ko, ako na ang gagawa ng paraan.

i will stop blogging about dyosa, utoy and your song in blogspot. sa multiply na lang. kung saan exclusive lang sa mga iilang tao.

3 comments:

Anonymous said...

ay...di pa naman ako nag mu multiply. huhuhu. puwede kaya i mailing list na lang ako? i want my dose of noringai!

-arwen/ peyups

amee said...

hi noreen. i am a regular/avid reader-lurker of your blog. aliw ako sa mga kwento mo especially about your personal life. drama kasi. parang tv/movie. ;) i don't comment kasi di ako mahilig makialam. for reading purposes lang talaga. pero with this decision of yours, sad ako. i am not your friend but i would like to ask kung pede i-add mo ako sa multiply. pls? i can give you my while bio/info para lang i-add mo. ;) let me know know kung payag ka. sana payag ka pero kung hindi, i understand. goodluck and may you find the right guy for you soon. :)

noreen said...

ARWEN and AMEE, magba-blog pa rin naman ako sa blogspot eh. di nga lang tungkol sa showbiz. or kung meron mang tungkol sa showbiz, iyong di ka-quote-quote. :) iniiwasan ko lang mapagalitan :D