Thursday, May 15, 2008

pinupuyat ako ni zanjoe...

it's 8am. wala pa akong tulog. kahapon, pinatawag ako for a meeting. iyun pala, ako magre-revise ang limang scripts ng your song. limang script due in 22 hours. kaloka, di ba? tapos, sabi ng headwriter ko, bahala na daw ako. huwag ko na daw ipadaan sa kanya...

so ayun. tiniyaga ko. di ako natulog. tinapos ko. madugo pero pinilit ko.

ang nakakalungkot, baka hindi ako mababayaran para sa limang script. baka nga hindi pa ako ma-credit. all for the love of the show lang talaga. for the love of zanjoe kasi siya ang bida.

"your script was very well-written," sabi ni direk trina.

"kilala ko na iyang si noreen, magaling magsulat iyan, saka mabilis," sabi ng SP namin.

"kayang-kaya mo iyan," sabi ng EP. "sana ikaw na lang nagsulat ng lahat ng episode."

salamat sa kumpiyansa. pero mas magpapasalamat ako kung make-credit ako. at mababayaran. kung hindi man, hai ganyan talaga... mahal mo eh, kaya magtitiis ka.

tulog na muna ako. may derma appointment pa ako ng 1pm. hai. four hours of sleep... kaya iyan!

aja!

4 comments:

tea_time said...

For the love of Zanjoe talaga! Thank you for doing the extra mile. Love ko rin siya kasi! ♥ Maganda ang output mo kasi inspired ka.

noreen said...

hay naku,tea_time, di lang extra mile. ilang libong milya! kuwento ko sa next blog entry ko :)

Nadz said...

I'll be sure to watch Con's YS episode! Thanks for all the sleepless nights.

tea_time said...

Thank you Ms Noreen for the next blog entry. I posted my comment there. I'm so happy for you that you have the opportunity to be there for him and work with him, even! Aba at may Dyosa pa. Ikaw ang Dyosa sa good fortune mo to work with him.

True ka talaga, ilang libong milya! Sabi rin ng friends and family ko, luka-luka na ako sa devotion ko for him. Whenever I can spare the time outside work hours, I go out of my way to support him. Thanks for loving Zanjoe, like we do ♥

I guess you know me in the Zanchillers site. More chika there na lang, hangga't kaya ng memory ko. :)