Sunday, May 11, 2008

pramis, di na ako magiging tanga...

sabi ng mga barkada kong lalake, tanga daw ako. mali daw ang diskarte ko. kaya ayun, meron na sana, nawala pa. kinuwento ko kasi sa kanila iyong huling ka-pechay ko. iyong lahat ng mga nangyari sa amin. iyong pag-tabla ko ng maraming beses sa imbitasyon niyang lumabas, magkape at manood ng sine. ako daw ang may kasalanan kung bakit nawala. palpak lang daw talaga ang mga sinabi at ginawa ko.

"bihira ka lang makakita ng lalakeng hindi mahilig sa sexy, pinakawalan mo pa," sabi noong isa. oo, ganyan ka-brutal ang mga barkada kong lalake!

bumawi iyong isa, ang sexy daw para sa kanya iyong stable na sa career, iyong may sense kausap, iyong may depth. mga echosero!!!

ang bottom line... nauwi na naman sa wala ang lahat.

sana naman, may dumating pa... pramis, di na ako magiging tanga.

***

ngayon ko na sobrang nararamdaman ang downside ng pagiging writer sa tv.

tatlong meeting sa isang araw. derecho lock in sa hotel ng tatlong gabi. matutulog ng 5am at pag-check out ng tanghali, kailangan tapusin ang tatlong script na due in a few hours.

dalawang gabi ko lang nakasama ang parents ko... noong sinundo ko sila sa airport at noong hinatid ko sila sa airport.

hindi na ako nakasama noong nag-enchanted kingdom ang mga pamangkin ko. hindi na kami nakapunta sa ocean park. hindi ko na sila nadala sa serendra at sa fully-booked sa bonifacio high street. hindi na kami nakanood ng taping. nakurot ko pa si maya at napagalitan dahil ang kulit niya noong naghahabol ako ng deadline ng script.

hindi na ako nakakasama sa gimik. nakakalimutan ko na ang birthdays ng mga kaibigan ko. isang buwan na hindi nalilinis ang banyo ko. tambak na ang labahin dahil di na naaasikaso magpa-laba. magulo na uli ang kuwarto ko.

ang tawag dito, trade-off.

nalulungkot lang ako na noong panahong andito ang parents ko at mga pamangkin ko, wala akong time to be with them. kung kelan bumalik na sila ng davao, dun naman natapos lahat ng responsibilidad ko. ganito ata talaga ang problema ng mga tulad ko. unpredictable schedule. daig pa ang doctor. walang holiday o weekend. walang konsepto ng oras.

pero what can i do? pinili ko ang buhay na ito. mahal ko ang trabaho ko. at ginagawa ko ito, dahil pangarap ko talaga ang maging writer sa tv.

hindi lahat ng tao nabibigyan ng chance to live their dreams.

song of the moment: so we did it again / knowing we should quit it / but we simply won't admit it again / oh it feels good, it's so good/ but i won't do it again - john legend, another again

quote for the day: "sometimes, you will only realize na something is wrong kapag may na-experience ka na mas maganda. akala mo okay na ang sitwasyon, until someone treats you better. that's when you realize na hindi ka na pala masaya, nagse-settle ka lang," isang director na naka-meeting ko last week.

what i learned recently: babawasan ko na ang pagkukuwento tungkol sa showbiz. balik na lang ako sa pagiging senti. hehe

No comments: