Friday, May 23, 2008

this entry is not about zanjoe...


baka kasi isipin ng mga tao, puro zanjoe na lang kinukuwento ko. kaya stop na muna. hindi ko na lang ikukuwento na magkasama na naman kami sa taping kahapon hanggang kaninang madaling-araw (kung saan kuha yang picture na iyan). hindi ko na rin ikukuwento na kanina, sa abs-cbn, pagkatapos ng meeting namin sa dyosa ay nagkasalubong kami at nagkausap. pinakilala ko pa sya sa creative team. hindi ko na rin sasabihin na nagiging punch line na ako sa meeting, na tatlong directors na ang niloloko ako tungkol sa pagkahumaling ko sa kanya. kaya hindi, stop na muna ako kay zanjoe. di ko na muna babanggitin pangalan niya dito. zanjoe. zanjoe. zanjoe hehehe



***



na-confirm ko lang na talagang mataas ang threshold ko sa pain. noong nagpa-cauterize ako ng warts, tinitiis ko ang sakit. kahit sobrang sakit na. nung finally, di ko nakayanan, pa-simple akong humirit ng, "bakit parang nagwe-wear off na iyong anaesthesia?" sagot ng doctor: "ay wala talagang anaesthesia..." nalaman ko, marami palang warts ang hindi nakita nung attendant kaya hindi niya nalagyan ng anaesthesia. eh malinaw ang mata ng doctor na nag-cauterize sa akin, kaya ayun, kahit walang anaesthesia, sinusunog niya.



grabe... at nakaya kong magpatanggal ng warts ng walang anaesthesia! nag-reklamo ako pero sumige pa rin ako.



masokista?



***



kareen, gitz and i are going to saigon in july! gusto ko rin sana mag-singapore o hong kong. o kaya mag-bangkok uli. hai, sana mayaman na lang ako...



***



itong your song na ipapalabas sa june na yata ang pinakamadugong script ko. five weeks! tapos, five drafts! and, kahit nasa set na, nagre-revise pa rin ako ng dialogue.



buti na lang talaga gusto ko iyong bida. kasi kung hindi, siguro sinusumpa ko na iyong director. hehehe



kagabi nga, sabi sa akin ng director, "isang linya... isang perfect line lang ang kailangan ko para mauwi sila sa holding hands. nabi-bitinan kasi ako sa dialogue eh."



ilang minuto akong nag-isip para sa linyang iyun. naglakad ako sa may baywalk. nag-internalize. isang linya lang ang kailangan ko pero parang ang hirap. kasi dapat hindi siya as malinaw as "mahal kita" or "kailangan kita" pero dapat it says a lot about what the character is going through, what he wants to do, at kung ano kinalaman noong taong kausap niya.



matapos mag-senti sa may baywalk, i came up with this line... "gusto ko magsimula uli sa buhay ko at gusto ko ikaw ang kasama ko..."



hay ang drama. pero mas marami pa akong ma-dramang linya na sinulat. iyun ang gusto ng director eh.



pero pinaka-favorite ko ito: "kahit mahirap, kahit masakit, kailangan nating gawin... kasi ito ang tama."



hai... brings back memories. nyahahaha. am sure kahit naman kayo may mga ganyang sitwasyon. mahirap. masakit. pero wala kayong choice. kailangan niyo gawin. kasi iyon ang nararapat niyong gawin.



***



ala una ng umaga, inaantok na ako sa may baywalk, tinabihan ako ng isang PA. sabi niya, may gusto daw siyang line sa script ko. tapos ni-quote nya. ngumiti lang ako. then she asked, "san niyo po nakukuha iyong mga ganoong linya?"



i said, "experience. halos lahat ng dialogues na ginamit ko sa your song, nasabi ko na iyan sa tunay na buhay."



hindi ko na sinabing madalas, kapag gumagawa ako dramatic scenes, naiiyak ako habang nagsusulat. baka ma-weirduhan sa akin.



***



the other night, hinihingan ako ng staff ng your song ng mga quotations na puwedeng ilagay sa end ng every episode. sabi ko marami ako sa journal/planner ko. then nabasa ko na naman mga entries ko noong 2006 and 2007. na-senti ako. nakaka-miss pala ma in love. kaso ang bad trip lang kasi kapag in love ka, binibigyan mo na iyong taong mahal mo ng lisensyang saktan ka. kasi ganun kapag mahal mo eh.



oo, miss ko na ang ma in love. miss ko na rin ba ang masaktan? handa na ba ako?



at nasabi ko sa sarili ko, yes, gusto ko na ma in love uli. okay lang din sa akin masaktan. hindi dahil sa masokista ako. kundi dahil nauubusan na ako ng dialogues. nauubusan na ako ng eksena. kelangan ko na uli ma in love. at masaktan. para sa mga susunod pang script na isusulat ko. bwehehehehe



wala na munang song of the moment, quote for the day at what i learned recently.



3 comments:

tea_time said...

Hi Ms Noreen! When you do a script like that for YS, I guess your state of mind goes senti...it's like all the people around you have their SOs. There are lots of people who seem to have their partners but are actually alone.

Si Zanjoe, wala bang nako-contribute na mga linya para sa script?

Naalala ko ang kaibigan kong maloloka na. Sobrang gusto ng asawa niya na sila lang ng anak niya ang umiikot sa mundo niya. Galit sa kahit sinong napapalapit sa kaibigan ko, lalo sa mga lalaki. Kahit nga babae, pinagdududahan. Walang tiwala sa iba kaya walang nagtiyagang makipagkaibigan nang tunay sa asawa niya. Kaya ang kaibigan ko, sakal na sakal na. Yung jolly persona niya, natatapos na pag nasa bahay na siya, o basta kasama na niya ang asawa niya. Ikinakahon siya sa gustong personality ng asawa niya. Nabanggit ko lang kasi wala akong maipayong matino, baka may maipayo ka. Tunay bang pagmamahal yun?

Good luck sa June YS! Ang ganda ng May YS nina Vic at Joross. Galing ng writer.

noreen said...

ROCKS, si Z, nag-a-adlib lang. hehehe pero oks naman mga adlib nya, swak pa rin sa eksena.

Dun sa friend mo... hai. kaloka naman yang asawa nya. hindi healthy yan. lalo na for your friend. kasi nawawala na iyong identity nya eh. she becomes a different person. mahirap yan kasi kung ibang tao na sya whenever shes with her hubby, baka di na niya makilala ang sarili nya. eh pano mo mamahalin sarili mo kung di mo ito kilala, di ba?

hai. mahirap ang sitwasyon na yan. i dont wanna be in that place. :)

tea_time said...

Talaga? Gumagaling si Zanjoe, ha. Malayo na talaga since his Aalog days. Tama ka sa friend ko. Hindi niya lubusang mahal ang sarili niya dahil hindi na niya kilala ito. Sometimes, dahil sa constant personality switching niya, nalilito na siya sa sarili niya. She always strives to please others, leaving her always doing faint attempts in pleasing herself. She can't please herself in the process because she does not "know" her real self whom she is supposed to please.

Salamat nang marami. Salamat sa pag-aalaga kay Miguel!