Sunday, May 25, 2008

true love doesn't have a happy ending...

alas tres ng madaling araw, as danica, eden and i walked to starbucks after getting drunk in my headwriter's birthday party, we all had a single thought running through our heads: "gusto ko na ng dyowa!"

we were okay before going to the party... pero nakaka-senti lang nang ma-realize namin na kahit saan kami lumingon, may mga mag-dyowang naglalampungan. plus i saw the same people na nakasama ko sa party when i was with someone pa. binati pa ako noong director na tuwing nagkikita kami ay laging hinahanap sa akin iyong "lalakeng kasama ko dati."

iyun lang ang downside when people were used to seeing you with somebody, no? kasi hindi maiiwasang hanapin nila sa iyo iyong taong iyun. eh di mo naman sila close para malaman ang buong kuwento, na hindi na kayo nag-uusap at nagkikita noong taong tinatanong nila.

hanggang ngayon nga, kapag nagpapa-manicure ako sa parlor sa tapat ng condo namin, hinahanap pa rin sa akin iyong isang taong matagal ng wala sa buhay ko. may mga ilang kakilala pa ako na kapag nakaka-YM ko ay kinukumusta pa rin sa akin iyong taong iyun.

kagabi din, when a friend asked me where i was, kinuwento ko na nasa party ako. he asked me kung i was with B. i had to tell him na hindi na, wala na rin si B sa buhay ko. his episode in my life is now over.

kaya after noong party, parang aray, dalawang lalake iyong pinaalala sa akin ng mga tao... tapos, naka-pitong margarita ako at dalawang tequila shots so sobrang heightened iyong kasentihan ko.

on ordinary days, i am normal... i am busy with work. and i don't mind na i am not seeing anyone right now. i am content with what i have -- career, family, friends, good health. hindi ako nag-e-emote dahil wala akong dyowa.

pero kanina, habang sumusuray kaming naglalakad sa starbucks, nag-angsts na ako. nakakatawa nga dahil sabay-sabay pa kaming tatlong nag-senti.

after an hour and a cup of coffee, tanggal na ang amats ko. tanggal na rin ang kasentihan ko. okay na uli ako.

song of the moment: but somehow i’m still alive inside / you took my breath but i survived - no air by jordin sparks and chris brown.

quote for the day: "true love doesn't have a happy ending. true love doesn't have an ending," nasa your song episode kanina. kino-congratulate ko nga iyong writer ng gay episode na iyun kasi ang ganda ng reviews.

what i learned recently: a friend just got promoted... congrats, ilai! pa-cheeseburger ka ha!

2 comments:

tea_time said...

Joke ko lang sa mga friends kong tumitilam-tilam sa mga lalaking may girlfriends..."Don't lose hope. Kapag 'di pa kasal, puwede sulot!" ha ha ha

Seriously, mas mahirap kilatisin ang mga lalaki kung bading o hindi. Yun ang mas mahirap na challenge. 'Pag nakilatis mo na, mare-realize mong konti na nga lang ang tunay na lalaki sa mundo. Mas konti pa ang available. Well, at least ganyan ang observation namin sa office.

Oops, baka mag-senti ka ulit. Don't take the above statements seriously. :P

noreen said...

Rocks, hehehe... hindi naman. sanay na ako. at aware na rin ako na bihira na lang ang matitinong lalake ngayon. hehehehe