Friday, June 6, 2008

hay...

may mga tao talagang walang magawa kundi mag-lurk sa mga forum na pinupuntahan mo, tapos iqu-quote ka sa ibang forum. ang masama, mali pa ang intindi sa sinusulat mo. kaloka!

dati si maybelle20, ngayon may bagong nagpapainit ng ulo ko. malas talaga ang letter m. puwera na lang si marudo! bwahahahaha

alam ko naglu-lurk ka pa rin dito. hindi ako sinungaling. wala akong sinasabing pinalitan ang creative team ng show namin. mali ka lang ng intindi.

ngayon ko lang nalaman, marami-rami pala akong kaibigan at kasama sa network na nasa pex. at ang bilis nila mag-update sa akin.

ilang beses na akong tinatanong kung ako daw ba iyong nagpo-post sa pex. minsan lang ako nag-post dun as noringai. napapadpad lang ako dun kapag may kakilala akong nagsasabi na "uy, tingnan mo sa pex, may nakasulat na..."

napagsabihan na ako ng headwriter ko dahil sa mga posts ko sa peyups na nako-quote sa pex. natanong na rin ako ng co-writer ko at noong PA ng isang show ko kung kakilala ko iyung nagpo-post dun.

ayokong dumating ang point na pati cm ko at director ko ay pagsabihan ako... dahil lang sa may mga taong mali ang intindi sa entry ko at gumagawa ng kung anu-anong isyu.

despite being quoted in different fourm before, i went on talking about showbiz in my blog kasi may mga nakiusap na ituloy ko dahil natutuwa sila... pero dahil sa isang m na ito... magiging exclusive na lang talaga sa multiply ang mga showbiz kuwento ko.

5 comments:

Anonymous said...

im glad im part of ur network!!

hay ate noreen.. basta kasalanan ang mainggit..

ENVY!!! mamatay cla sa inggit.

mwuah!

-lushlips

amee said...

haaay..

i guess you gotta do what you gotta do..

haay..

btw, this will really sound dumb but i just need to ask.. ano ba yang pex? sorry ha at di ko magets.

amee

tea_time said...

Nag-backread ako sa Dyosa thread sa PEx..."m" nga ang may pakana ng misinformation drive. Kung nakakasugat lang ang salita, siguro matagal nang naubusan ng dugo si Direk Wenn. Matindi talaga sa PEx. Mapagmura pa si "m," grabe.

Tsk tsk tsk dahil sa kanya mawawalan na rin ng access ang mga taong natutuwa sa mga snippets ng buhay sa showbiz *sigh* kesa naman makasagap pa ang taga-kabila, mabuti na ngang gawin mo na ang masakit pero kinakailangan.

Nadine said...

That's just it! Either mamatay sila sa inggit, sa inis, or wala na silang masasagap completely! Buti nga sa kanila, excluded!

lhannie said...

aha,nabasa ko rin yun sa pex thread..grabeee nga doon... hmmm.. at kaw pala ang sinasabi nila..mga tao talaga..walang magawa,di ata marunong magbasa. hahaha.. hayaan mo na sila,iinit lang ulo mo.

i love your song!i love miguel! bwahahaha...