Wednesday, June 18, 2008

isang mahabang entry tungkol sa pagiging tv writer

sabi noon ni direk joey sa amin, para tumagal ka sa industry na ito, kailangan mo ng 30% talent at 70% attitude.

hindi ibig sabihin noon na hindi importante ang talent. iyun ang puhunan mo dito. pero kahit na talented ka, kung masama naman ugali mo, di ka rin magtatagal.

exactly three years ago, my first script was aired on tv. and my life took a different route since then.

natatandaan ko, noong 2003, i was having quarter-life crisis. i was so depressed kasi stuck ako sa isang trabahong di ko gusto. that time, isa lang naman ang pangarap ko, ang makita ang pangalan ko sa tv at masabi ng mga tao na "uy, si noreen! kilala ko iyan, i went to college/high school with her."

i was nowhere near in realizing that dream.

so lumipat na lang ako ng trabaho. akala ko masaya na ako doon. malaki at stable na kompanya. sikat. nangunguna sa industry na iyun. oo masaya na ako.

naging columnist ako sa peyups. nagustuhan ng mga tao iyong mga sinulat ko -- kuwentong jelly beans, parang kayo pero hindi, all i really need to know i learned in kakikayan, at marami pang iba.

happy na ako doon. nare-recognize na ako bilang writer. may mga nagsasabing fans ko daw sila. wow. ang sarap naman pakinggan. nakilala ako bilang noringai. okay na ako doon.

pero at the back of my mind, nagwi-wish ako... sana makapagsulat ako sa tv at/o sa sine.

ang simula

noong 2004, habang nagreresearch ako sa web para sa trabaho ko, i chanced upon a news article sa manila bulletin. may free comedy writing workshop daw sa abs-cbn. feeling ko eh may sense of humor naman ako kaya ayun, nag-apply ako. kailangan daw ng work sample. ang ginawa ko, prinint ko iyong blog entry ko na "pakwan" saka iyong "malamig ba ang christmas mo?" na article sa peyups.

last day na iyon ng submission. nag-leave ako sa work. pumunta ako sa abs. ang tanga ko. wala akong dalang resume. nilagay ko lang sa isang notepad ang pangalan at telephone number ko. ni-stapler dun sa blog entry at sample article ko. pero tinawagan din ako. tanggap daw ako sa initial screening. pinag-exam kami. tanggap din uli ako. then came the panel interview.

mga singkwenta ata kami nun na pinapunta sa panel interview. 26 lang ang kailangan nila. tatlo silang nag-iinterview -- si direk joey, si direk ipe, at isa pang taga abs na di ko na matandaan kung sino.

first time ko makita at makausap si direk joey. mukha siyang nakakatakot. pero isa ang napansin ko... warm ang smile niya.

noong makita ko si direk joey, doon ko naalala. ang mga pelikula niya ang dahilan kung bakit naisip ko na gusto ko maging writer. may minamahal. radio romance. pare ko.

noong first day ng workshop, sinabi ni direk iyong advice tungkol sa 30% talent-70% attitude. at di ko na kinalimutan iyun.

every monday afternoon ang workshop. i was having my regular job. thanks to my boss, she allowed me to attend the workshop for three months. ni minsan, di ako umabsent sa workshop. at kapag may binibigay na writing assignment, ginagawa ko lahat para mapaganda ito.

ito siguro ang dahilan why direk j handpicked me to be part of the sitcom intended for the big star. that was in january 2005.

my first show

excited ako. magkaka-sitcom na ako! pinagkalat ko na sa mga kaibigan ko na may show na ako. kaso, biglang nagbago isip ng big star. ayaw daw niya ng sitcom. gusto niya ng talk show. so ayun, ibig sabihin, sa talk show na rin ako.

depress-depressan ako noon. gusto ko ng sitcom. i even thought of begging direk j na isama ako sa bora na sitcom. pero di ko ginawa. tinanggap ko na lang kung ano ang binigay sa akin.

one month after, direk j texted me. may bagong sitcom daw siya. isasama daw niya ako. so after a few months of brainstorming and developing a show, pinalabas ang my juan and only noong may 28, 2005.

may trabaho ako noon pero nagsi-sitcom writing ako. ako ang pinagsulat ng week four. sinamahan ako ng bespren kong si bim at ni claring sa taping. when i heard randy, vhong and ai ai read the dialogues i wrote, nasabi ko... "this is it! tv writer na talaga ako!"

when my name first appeared sa credit noong june 18, ilai texted me. siya ang unang-unang nag-text! she said she's proud of me. my mother said everyone in the family was tuned in sa tv. and my nieces jumped and clapped when they saw my name.

nasa sitcom na ako, plinaplano pa rin namin ang talk show. tapos may 8 to 5 na job pa ako. keri ko naman. parang part time lang iyong sa abs. part time kung saan may extra 21K ako every month. not bad.

kaso, after 8 months, nawala sa ere ang show. mababa daw ang ratings. nawalan ako ng show.

life after my juan and only

pero isa sa natutunan ko, kapag pala gusto ka ng PM at EP mo, kukunin at kukunin ka nila sa mga susunod nilang shows.

noong makita ako ng PM ko, nag-sorry siya sa akin. kasi ako daw ang nasa isip niya na isama sa isang saturday afternoon show pero ibang pangalan ang nabigay niya. nanghinayang ako. kasi gusto ko iyong show na iyun eh. bagong format kasi. comedy na pang bagets.

pero keri lang kasi kinuha ako ng EP ko para sa your song. di nagtagal ang comedy show where i could have been. pero ang your song, heto, andito pa rin.

march 2006 lumabas ang unang your song episode ko. can't let you go. si angelica at si carlo. maganda ang reviews na nakuha ko. at mula nga noon, sunod-sunod na ang episode ko sa your song.

my could-have-been shows

aside from the afternoon comedy show, may mga shows na muntik-muntikan na makasama ako pero siguro, may dahilan kung bakit di napunta sa kain.

my MJAO PM got me to be part of this anthology show with barcy. andun pa nga daw pangalan namin sa poster kaso after two meetings, di na kami tinawagan ng headwriter.

may isang fantaserye sana kami ni direk j. di natuloy kasi na-preempt ng isa pang fantaserye.

kinuha ako to be part of this teleserye ng isang reyna. iyun ang dahilan bakit ako nag-resign sa trabaho ko. iyun din ang dahilan kung bakit di ako nakasama sa afternoon soap ng isang prinsesa.

pinalabas na ang afternoon soap ng prinsesa, di pa nabubuo ang teleserye ng reyna. and worse, after how many months, nalaman ko, di na pala ako kasama sa teleserye ng reyna.

kinuha ako sa sequel ng super hero show. nalaman ko from the headwriter, noong book 1 pa daw pala ako ni-recommend ng director, di lang nila alam pano ako kontakin. on hold ang sequel na ito.

tapos kinuha din ako para sa musical soap. naka-sampay din ang project na ito.

pero okay lang, hopefully next month, ipapalabas na ang first primetime teleserye ko. three years pa lang akong nagsusulat sa tv, magkakaroon na ako ng primetime series! that's something.

three years na ako dito. i'd like to think na magtatagal ako.

finally, i am living my dream.

high school classmates would email me to say na pinapanood nila show ko. kahit iyong nasa ibang bansa, sinasabing napapanood nila sa TFC. at pinagyayabang daw nila na kilala nila ako, na they went to high school with me.

salamat

sabi sa akin ng headwriter ko sa ys ngayon, masuwerte daw ako dahil ang iba, nagsimula as brainstormers while ako, unang show ko, writer na agad ako.

oo masuwerte lang siguro ako kung paano ako nakapasok sa abs. right place at the right time. pero i'd like to think that my talent and attitude brought me to where i am now. and siyempre, with the help of the following people:

my best friend bim - for her support, for believing that one day, i will be reaching my dreams. noong 2003, pinautang niya ako to buy my first PC. naniniwala siya na magagamit ko iyon sa pagsulat ng scripts. siya lang ang naniwala na magiging magaling na tv writer ako someday. she believed in my talent. at ang PC na iyun ang ginamit ko to write my first tv scripts.

kay claring - na sinamahan ako mag-submit sa abs-cbn noong mga writing samples, at diniktahan pa niya kung ano ilalagay ko sa notepad dahil wala nga akong dalang resume. at kahit taga-GMA siya that time, sinamahan niya akong pumasok sa loob ng abs-cbn. salamat, claring! :)

direk joey reyes - he opened doors for me. i will forever be grateful to him for giving me the opportunity na makapagsulat. and for being my nanay. he gives pieces of advice not only sa career but sa personal life. he has no qualms sa pagsabi kung pangit ang script ko, pero di rin siya matipid magbigay ng compliment kung alam niyang maganda.

joy caccam-abara - my boss sa magsaysay, who understood my passion at nakipaglaban sa HR para payagan akong mag-workshop sa abs, at eventually, magsulat for tv, habang nagtatrabaho sa kompanya.

iyong mga headwriters kong sina joel mercado, john roque at mari lamasan -- sabi ko suwerte ako sa mga headwriters ko. lahat sila mababait. lahat sila magagaling. lahat sila naiintindihan ang schedule ko. at lahat sila, naging kaibigan ko, nakakasama ko sa inuman. nakukuwentuhan ko ng mga personal na bagay. nakakaalam ng mga kabaliwan ko sa buhay-buhay.

sa lahat ng EP, SP, at PM, ko lalong-lalo na kay ms nini, na siyang nagpasok sa akin sa your song. at sa lahat ng staff ng your song (ms mae, beegee, michelle, bella, raquel, gayle) -- the best talaga kayo!

sa CMs ko na sina manay gina, sir rondell at sir jake.

sa mga co-writers ko na naging kaibigan ko, mga tagabigay ng advice sa akin, at maaasahan ko kapag kailangan ko ng ka-kakape, kayosi o ka-kuwentuhan lang tungkol sa nakakabaliw na buhay ng writers sa abs -- di ko na kayo isa-isahin ha, dami niyo eh.

at kay ilai -- she's my number one fan! from peyups to abs-cbn. she seldom misses my episodes on tv at pinagkakalat pa niya sa mga kaibigan at kaopisina niya to watch. she'd forward to me good reviews from her officemates. friend, salamat sa suporta! i really appreciate it!

***

ginagawa ko itong blog entry na ito dito sa astoria, habang naka-lock in kami sa fantaserye na malapit na ipapalabas.

kanina, naisip ko, bakit ba ako nandito sa trabahong ito? nakakabaliw siya. nakakamatay. nakakasama sa katawan. nakakapanghina ng loob. pero hinahanap-hanap ko pa rin. hindi lang dahil sa pera. kundi dahil sa ito talaga ang gusto ko gawin. mahal ko ang ginagawa ko. lagi ko nga sinasabi, basta mahal mo, magtitiis ka talaga...

pero lagi ko sinasabi sa sarili ko, sa trabahong ito, you're only as good as your last work. kaya dapat bawat assignment, bawat project, pagbutihin mo. di puwedeng magpabaya. hindi puwedeng dahil napuri ka na sa dati mong ginawa ay keri na maging mediocre sa susunod. kasi any moment, maaari kang mapalitan ng mas bata, mas magaling, at mas mabilis magsulat.

kaya lagi kong dasal, lord, salamat sa talent. at sana tumagal ako dito.

8 comments:

Anonymous said...

magaling ka naman talaga- you deserve it!

natutuwa ako sa mga tulad nyo who are lucky enough to love what you do and do what you love :-)

arwen / sel

noreen said...

salamat, mama sel :)

Anonymous said...

congrats and u're finally living your dreams.

maraming ang nangangarap sa buhay na ganyan kaya blessed ka. kagaya ko.

kaya nga ako lage nandito kase masaya na ako na nababasa kung pano ang buhay ng isang writer sa tv and eventually sa film.

enjoy ako sa blog mo. u're an inspiration para abutin ku din ang pangarap na bituin hahahha.

keep the creative juices flowing.

bryz

undomesticatedbunny said...

congratulations!

sarap naman basahin ng entry mo. i can only wish mahanap ko dun yung work na i would really love to be doing, kahit mahirap siya.

meann said...

ate noreen, even though we're not that close.. im so proud of you. from peyups to abs din to. hihi. congrats! mwah!:D

stargirl_machine said...

wow.. this got me motivated. the past few days depre-depressan ako kasi napagalitan ako ng editor ko. siguro nga dahil hindi ko pa binibigay lahat gusto ko nang sumuko.. to think na literature pa ang naging course ko.

pero tama ka, mas okay nga na palaging give your best shot. combined with a great attitude.
you've been really great.

Nadz said...

How about it NRN, re-runs of My Juan and Only are back! Sweet, di ba? :)

selenakyle said...

very inspiring! nakakainggit nga yung mga taong natagpuan ang calling nila sa buhay.

keep up the good work!

selenakyle (from peyups)