Saturday, June 28, 2008

may kapalit ang lahat...

sa pagsimula ng isang bagong show, may dalawang taong magsasabing "i could have been in that soap." dalawang tao na dapat ay kasali doon pero sa magkaibang kadahilanan ay hindi napasama.

iyong isa ay pinalitan. at iyong isa... walang sinabing dahilan. basta na lang siya hindi tinawagan at nalaman nya na tuloy pala ang soap, na hindi siya kasama.

ang bottom line, pareho silang na-bump off.

pareho silang nanghinayang at sinasabing "si ______ iyun eh!" pareho silang nasasayangan na nawala sa kanila iyong chance na makatrabaho ang isa sa tinuturing na bigating artista ng stasyon.

pero kahit na nalulungkot, inisip na lang noong isa na "hindi pa siguro time" habang iyung isa ay sinabing "maybe something better will come along."

indeed, something better came along. iyong isa ay nakatrabaho ang isang reyna habang iyong isa ay nakatrabaho ang isang hari.

hindi man sila nakasama sa soap na pinangarap nila, marami namang projects na dumating. sunod-sunod. masuwerte pa rin sila. iyong isa nga, di na niya alam pano hahatiin ang katawan sa dami ng ginagawa niya.

pero ang pinakamaganda na nangyari, magkasama sila ngayon sa isang show.

kung ang isa sa kanila ay napasama sa show na nauna, hindi sila magkakadaupang-palad. hindi sila magkikita at magkakilala. lahat talaga ng nangyayari, may dahilan.

kaya huwag malungkot kung meron mang nawala sa iyo dahil ang lahat ng iyan, may kapalit. kung may pintong nagsarado, may ibang magbubukas. kung may umalis, may darating. in everything you lose, you will gain something else. kailangan mo lang magtiwala na meron isang mas nakakaalam kung ano ang nakakabuti para sa iyo.

kaya sa pagsisimula ng bagong show, may dalawang magsasabing "dapat andiyan ako." pero walang bitterness o regret iyun. kasi pareho nilang alam na that show is not meant for them. at noong natanggap nila na hindi para sa kanila iyun, dun nila nakita na may mas higit pa pala na darating.

song of the moment: better in time by leona lewis

quote for the day: "sometimes, you will only see what is wrong in your life when someone better comes along to make you realize what you've been missing," kung di mapapalitan, ito ang quote sa last episode ng your song presents i'll take care of you.

what i learned recently: may kapalit ang lahat ng bagay. kailangan mo lang magtiwala na lahat ng nangyayari sa iyo, may dahilan.

3 comments:

selenakyle said...

thanks for this reminder. something i need right now. ;)
- selenakyle from peyups

Ederic said...

Ganyan nga yata talaga. At kapag ang Bintana naman ang nagsara, buksan na lang ang Linux! :p

- Tembarom from Peyups

noreen said...

hi, selenakyle and tembaron. salamat sa pagdaan. :)

selenakyle, welkam po. di ko inaasahan na may katuturan pala ang walang kwentang pag-a-angst ko. :D

tembaron, sige na nga, bibilhin ko ang hirit na iyan kasi taga-peyups ka naman, columnist pa. :D