Tuesday, June 3, 2008

si miguel pa rin hanggang ngayon...

tapos na ako dapat kay miguel at mag-concentrate kay mars. pero parang di pa ako makapag-let go. hanggang ngayon, si miguel pa rin ang naiisip ko. mga hirit ni miguel, ang conflict ni miguel, ang struggles at emotions niya. ganun pala kapag minahal mo ang isang character. mahirap kalimutan.

ang tagal ko din nakasama si miguel. feeling ko parang dalawang pelikula na iyong naisulat ko. more than 150 to 180 sequences. limang revisions. mahigit apat na oras na running time. mahirap kalimutan. mahirap palitan. pero kailangan. para mag move on sa susunod na character. ngayon, si mars naman ang dapat ko pagtuunan ng pansin. si mars, si adonis, si kulas at si josephine.


pero bago sila... may segue pa... si vince at si melay. kailangan ko din tapusin si vince at si melay. buti maikli lang sila. hindi ako magiging attached.

***

salamat sa mga nanood ng your song noong linggo. ang daming nag-text sa akin. nakita daw nila ako sa tv! kaloka. may mga taong minura ako. di man lang daw ako nag-make up! eh malay ko bang ganoon pala iyong angle ng camera.


noong kinukunan ang eksena sa location na iyun, kakarating ko lang. tagaktak pa nga pawis ko kasi malayo-layo ang nilakad ko mula sa mall of asia. tapos nakita ako ni miguel. nilapitan niya ako at bineso. nahiya ako kasi pawisan ako noong ginawa niya yun!


so eneweys, umupo na ako kasama ng EP ko. kuwentuhan kami. tapos magte-take na ng eksena. di na kami tumayo. kunwari kasama kami dun. di na ako nag-pulbo or something (bawal din kasi kaka-galing ko lang sa facial nun). ayun, ang putla ko tuloy sa camera. ampanget pa ng buhok ko dahil two days na di nababasa (bagong rebond).

"ampanget mo sa tv," sabi sa akin ni maya. oo, balahura talaga ang batang iyun. san nga kaya nag-mana ang hitad?

***


mataas ang rating ng your song. tinext ako ng SP. sa
mega manila daw, 11.7 kami vs 8.2. sa metro manila 13.8 vs 6.1.

tapos tinext ako ni direk trina. binalita niya na mataas ratings namin. tapos nagpapasalamat siya sa tiyaga ko.

salamat sa mga nanood.

pati si direk j, nanood. pero ang sabi niya sa akin, "you can do better than that..." i asked him kung pangit ba ang ginawa ko. sabi niya, i could have done better daw. "you're starting to become a typical tv writer... and i don't wanna lose the noreen i know."

napaisip tuloy ako sa sinabi niya.

***

bumili pala ako bagong phone... katas ni miguel. este, katas ng mga eksena ni miguel. di pa man ako nasusuwelduhan, bumili na ako ng telepono. pinag-isipan ko kung n82 o kaya n81 na 8gb ang bibilhin ko. tapos naalala ko, parang n81 iyong phone ni miguel. kaya ayun, binili ko. pareho na kami. pechay talaga! hehehe

***

ka-multiply ko na ang CM at headwriter ko sa dyosa, tapos ang EP ko sa your song.
kaloka. anliit na nga ng mundo. ingat na ako sa mga sasabihin ko, baka mapagalitan ako. wehehehehehe

***


dapat tinatapos ko na si vince at si melay para maumpisahan ko na si mars. sabi ko magbe-break lang ako sandali.... pero nasesenti ako. nami-miss ko na kasi si miguel. hai... si miguel pa rin hanggang ngayon...


No comments: