Friday, July 11, 2008

...

pagod na ako. emotionally. physically. mentally. ang dami na nangyari.

three nights na ako dito sa bahay ng headwriter ko. iyong pantalon ko, 60 hours ko na siyang suot. walang hubaran. pagtulog. pagi-gising. puro sulat lang ako. hinahabol ang deadline. tapos, baka biglang palitan din nila ang material dahil kailangan ng matinding pantapat sa bagong show na makakalaban namin.

kapag may nagtatanong sa akin kung kumusta na ako, sinasabi ko, mamamatay na ako...

kaya ko iyong physical na pagod eh. itulog mo lang, ikain ng masarap, okay na uli. mentally... mag unwind ka lang. manood ng mtv. gumawa ng mindless na bagay. rejuvenated ka na.

pero iyong emotional... iyong may rejection sa isang banda, tapos sa isang banda, malalaman mo na pinag-uusapan ka na pala ng mga tao at sinasabing lumalaki na ang ulo mo at nagiging mayabang ka na, iyong pressure na you have to prove yourself para di masira ang tiwala ng tao sa iyo, at iyong anxiety na nanganganib na ang status mo sa show... iyun ang hindi nawawala kahit na sampung oras ka man matulog.

buti na lang iyakin ako. ilang beses na ako umiyak. buti na lang nakapag-release na ako.

am looking forward to my saigon trip next week. i need that. i deserve that.

at sana, tama na muna ang emotional blow. baka di ko na makayanan. huwag muna. pagpahingain niyo muna ako...

i am tired. so tired. :(

No comments: