Tuesday, July 15, 2008

break

tomorrow, i am going to saigon. i need that break. i won't be bringing my laptop. ayoko muna mag-bukas ng computer. iwasan ko rin mag-net. break nga eh!

good thing we won't be having our dyosa meeting this week. sabi ng headwriter namin, next week na daw kami mag-memeet. i just finished the script for august episode of your song and my ys headwriter is revising it now. when i come back, we will be working on our september episode.

my ys headwriter told me to relax and enjoy. "ibalik mo na ang dating noreen! iyong noreen ng your song..."

apparently, they didn't like the last script that i wrote. my SP texted me to say "di maganda ang your song ngayon..."

ganyan naman ang SP ko eh, honest. ngayon, lahat sila, pati ang PM at ang Unit head, sinabing hindi daw maganda ang script ko.

tanggap ko naman iyun. i know i could have done better. i know that in my last two YS scripts, hindi ako masaya. low energy daw. walang kilig. kasi sinulat ko yun dahil sa pera. iyun lang ang motivation ko.

wish ko lang after my saigon trip, i will be back to the old noreen. iyong kaya ako nagsusulat dahil mahal ko ang material. mahal ko ang ginagawa ko. at bonus na lang iyong tf na kasama nun.

excited na ako isulat si marge at si allen. ngayon pa lang, may mga linya at dialogues na ako na nasa isip. excited na rin ako sa tatakbuhin ng kuwento ni josephine...

***

nag-enrol ako sa fitness first. kelangan eh. just last weekend, my bestfriend told me that she's getting married in january... at maid of honor ako!

anim na beses na ako nagiging abay. in six months, maid of honor na. promoted na ako! pero naman.... kaka-pressure! kelangan ko na magpapayat ng bonggang-bongga.

kaya ako nag enrol sa ff.

at kahapon ang first class ko. pumunta kami ni danica. retro dance. aliw.

***

para sa aking ka-multiply at ka-dyosa na si jojit, plug ko lang ang kanyang movie. nood kayo sa huwebes, july 17 at 9pm. may premiere/gala night sa ccp ang indie film na baby angelo. punta kayo sa multiply niya for details. :)

***

salamat sa mga nag-comment sa mga previous entries ko. di ko pa masasagutan lahat. di pa ako nakaka-empake eh bukas na ang flight ko.

1 comment:

mare said...

Enjoy your break! You'll return refreshed, better and improved!