Saturday, July 26, 2008

the heat is on in saigon...

been busy since i came back. went to the gym three times. attended meetings and watched dark knight. kaya di ko pa napopost ang saigon pics. saka di pa ako nakasulat ng saigon entry... pero heto na ang saigon daily digest...

day one

gitz and i arrived in saigon around 1230 am on july 17. dumiretso kami sa yellow house hotel sa de tham street. for $15 a night, okay na ang room. medyo may kaliitan. ang aircon, may sariling isip, kusang namamatay. pero ang bad trip, third floor kami, walang elevator.

we slept for a few hours and then had breakfast... doon namin nalaman na puro caucasian ang nasa hotel na iyun. kami lang ang asian.

una namin ginawa, maghanap ng malilipatang hotel. then went to ben thanh market. parang greenhills lang. i bought 10 bags worth 40,000 dong each. had lunch at pho 24, sabi sa lonelyplanet masarap daw ang pho dun. totoo nga!

then we went back to de tham. naghanap uli ng hotel. (separate entry iyong gagawin ko na lessons from saigon). found our new hotel. nag-rest sandali sa yellow house. and then walked back to ben thanh para mag dinner dun sa night market chorva nila. walked back to de tham and had coffee at sozo cafe where i had the best milk tea ever!


day two

nag check in kami sa bagong hotel. lunch sa room namin and then noong hapon, we walked around the city. kakahanap ng mall, anlayo na ng narating namin. parang up diliman to megamall. walang biro. then had dinner at this italian restaurant. nag-agree kami na uminom and we wanted to check out this parang karinderya bar kung san punong-puno ng tao (foreigners mostly) pero wala na bakante table. so we opted to go sa Go 2 bar, na sabi sa lonely planet eh coolest bar in HCM. coolest bar na ang tinugtog ay billy jeans ni michael jackson at livin' on a prayer ni jon bon jovi.

sabi ni gitz, matabang ang tiger beer so we ordered san miguel beer na 35,000 dong. medyo may kamahalan kung iko-convert mo sa peso. pero keri lang.

day three

kareen arrived. had our mekong delta tour. masaya. i will let the pictures speak for themselves na lang.

had dinner at this forgettable restaurant (na nilakad pa namin ng ke layo-layo) and went to sozo (again) for coffee and milk tea.

day four

cu chi tunnel tour in the morning. met a cute irish guy. construction worker sa ireland pero afford mag travel ng three months sa asia.

city tour sa hapon. reunification palace. notre dame cathedral. post office. temple. saka iyong factory ng laquerware.

umuwi muna sa bahay bago pumunta sa grocery to check for goods na puwede iuwi pampasalubong.

on our last night in saigon, it was raining so hard. had dinner sa resto sa tabi lang ng hotel. and nung tumila ang ulan, naghanap ng maiinuman. may bakante dun sa cheapipay bar na gusto namin i-check out ni gitz. surprise! surprise! andun din pala si irish guy.

naki-table kami with a kabayan na dun nagtatrabaho. nilibre kami ng beer. then nakipag-chikahan with two kano, parehong writers. isang journalist. isang dating teacher. then nong nagsarado na ang bar, lumipat kami sa ibang bar with the two guys.

went back to the hotel around 3 (or was it 4am). sumuka. di namin kinaya ang saigon beer!

day five

went to ben thanh again para mag-shopping. had lunch at pho 2000. dun daw kumain si bill clinton. then pumunta sa saigon center. walang kwentang mall. went back to the grocery to buy chocolates, coffee, and candies na pampasalubong.

had last supper at kim's cafe. ansarap ng food. wanted to try avocado or durian shake one last time kaso wala ng time.

at 11pm ng july 21, we headed to the airport. arrived in manila ng 430 ng umaga ng july 22.

it has been a week since my saigon trip... gusto ko bumalik. sinasabi ko sa lahat ng kaibigan ko, balik kami dun. definitely babalik ako either with the kikays, or friends from abs, or my male barkadas na may gustong puntahan na friend sa cambodia. basta gusto ko bumalik.



No comments: