Tuesday, July 29, 2008

lessons learned in Saigon

if you've been following my writing, then you must be familiar with all i really need to know i learned in kakikayan and its sequel about shoes. i also have lessons learned from taxi (in my old blog in blogcity), lessons from hotdog, and the recent, lessons learned from facial.

so it is but normal that i write an entry about things i learned in saigon.

sometimes you have to meet a few wrong ones to find the right one

i am talking about the hotel. pero sige, puwede natin i-connect sa ibang aspeto ng buhay natin iyan.

hindi namin nagustuhan ang hotel na binook namin online so on our first day, gitz and i had to look for a new hotel. our first hotel was $15 a night. may free breakfast and internet connection pero nasa third floor kami at walang elevator. maliit ang banyo at kuwarto at maingay ang aircon.

parating na rin si kareen so kailangan namin kumuha ng room na pangtatluhan.

the first hotel we found was also at $15 a night. kung divided by 3, lumalabas na tig-$5 lang kami per night. walang breakfast pero okay na ang room. third floor din siya at walang elevator pero keri pa rin. na-realize naman na sa street na iyun, wala talagang elevator ang mga hotel. dapat magpapa-reserve na kami doon pero noong binigay na namin ang credit card, brown out pala. so sabi namin,babalik na lang kami sa hapon.

noong bumalik kami sa street na iyun noong hapon, sabi ko kay gitz, hanap pa kami. marami-rami na kaming pinagtanungan pero ang pinakagusto namin, isang mas malaking hotel. mas maganda. may bath tub! iyong iba kasi walang bath tub. twenty dollars siya per night. sabi ko okay na iyun sa amin! bath tub pa lang, sulit na, kahit na walang breakfast. may terrace pa iyong kuwarto na ibibigay sa amin. nate-tempt na kami. sabi ko kay gitz, dito na lang kami. lumalabas na for three nights, tig-$20 lang kami. less than 1K pesos. solved na ako pero sabi niya pag-isipan daw muna namin. baka pagod lang kami. she pointed out na corner ng street (at katapat pa ng go 2 bar), baka maingay at di kami makatulog. then i realized na fourth floor iyong room namin -- wala ring elevator. so sabi ko, sige, hanap pa kami ng iba.

kaunting lakad pa and we found lan anh hotel. ang sabi, $24 daw a night for three people. medyo mahal sa lahat ng napagtanungan namin. aatras na sana kami pero we decided to give it a chance. i asked, "what floor?" the receptionist said, "we have elevator!"

hindi ko pa nakikita ang room, sabi ko kay gitz, kunin na namin. "they had me at elevator..." sabi ko sa kanya. kebs na kung mas mahal ng $4 sa huling tiningnan namin. we looked at the room -- shet! mas malaki. may bath tub din na mas malaki! at mas maganda ang mga kama at ang kuwarto. may terrace din. at... may libreng breakfast at internet!

we decided na iyun na ang kukunin. sabi ko kay gitz, may dahilan kung bakit brownout kanina at di kami naka-reserve dun sa unang hotel na gusto namin. may dahilan kung bakit nag-hesitate kaming kunin iyong $20 na hotel kahit na okay na sa amin yun. kasi we found the perfect hotel for us!

lesson learned: minsan, napapagod na tayo sa kakahanap at gusto natin mag-settle sa kung anumang better-better sa meron tayo. iisipin natin, "puwede na ito." pero huwag. kapag may pag-aalinlangan ka, i-postpone mo muna ang desisyon mo. lakad ka pa ng konti. tiyaga lang. kasi hindi mo alam, baka nasa kabilang kanto lang ang hotel na para sa iyo.

hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo

so we thought we found the perfect hotel. lahat ng hanap namin, andito na. sa lahat ng hotel na tiningnan namin na kaya ng budget namin, ito lang ang may elevator. kasyang-kasya ang tatlong tao na hindi mukhang kawawa ang pangatlo. may breakfast. ang ganda ng location at ang view. may terrace. pero noong nagpapa-reserve na, hindi sila tumatanggap ng card.

gusto namin card ang ibayad sana kasi nire-reserba namin ang aming cash sa shopping. iyun ang ang setback ng hotel na ito... sa lahat ng hotel na tiningnan namin, sila lang din ang hindi tumatanggap ng card.

lesson learned: hindi mo mahahanap lahat ng gusto mo sa iisang bagay. kailangan may i-compromise ka. kailangan mo i-weigh kung kaya mo palampasin ang bagay na ito. in our case, we paid in cash. okay lang. kesa makawala pa iyong hotel na nahanap namin.

always look at the bright side of life

noong first day namin, may binili ako na worth 400,000 vietnam dong. pampasalubong. tuwang-tuwa ako kasi feeling ko mura na siya. pero nong kinonvert ko sa peso... shet... 1,600 ang halaga niya. napamura nga ako as in mura na "tangina, ang mahal pala nito!"

so nagra-rant ako kay kareen. sabi ko good buy ba iyong nakuha ko. tinawanan niya lang ako and she said, "mare, huwag mo i-convert sa peso. i-convert mo sa dollar."

nung kinonvert ko sa dollar, lumalabas na ang 400,000 dong ay equivalent sa $23-24. kung iko- convert mo iyun sa peso, a little over 1000 lang, tama ba?

tama nga iyong half-full, half-empty glass na analogy. puwedeng napamahal ka o nakamura, depende on how you look at it. mula noon, hindi ko na kino-convert sa peso ang mga pinamili ko na goods at pinambabayad ko sa pagkain. tutal, dollar naman ang pinapalit ko to vietnam dong, hindi peso.

lesson learned: you always have a choice on how you look at things. puwede mo tingnan ang negative side, or pwede mo piliin ang positive side. kung paano mo hinaharap ang mga bagay na dumarating sa iyo, nasa sa iyo iyan...

1 comment:

Anonymous said...

galing mo :)