Wednesday, July 9, 2008

welcome to showbiz...

ang hirap pala makahanap ng tunay na kaibigan sa ganitong trabaho. di mo alan, iyung kaibigang pinagtatanggol at pinagkakatiwalaan mo ngayon, iyun pa ang maglalaglag sa iyo bukas.

text ko iyan sa mga kaibigan ko sa abs. iilan lang silang tinext ko. mga taong confident ako na totoong kaibigan ko... si direk joey. si manay gina. si rose. si danica. si barcy. si john. (di ko na ni-text si claring, kasama ko na siya sa bahay at alam niya buong kuwento.)

ang sagot sa akin ni direk joey, "welcome to showbiz!"

***

sa loob ng 24 oras, ang bilis magbago ng buhay mo. ngayon, sinasabihan ka ng mga tao na "huwag mo kaming iiwan sa _____ (name of show) ha" saka "ang galing-galing mo talaga" tapos after 24 hours, biglang nilaglag ka sa kabilang show at binalewala lahat ng hirap mo doon.

***

to survive in showbiz, dapat pala yes ka ng yes. kung ano ipagawa sa iyo, kahit impossible, kahit ikamatay mo, go lang ng go. minsan lang ako tumanggi... minsan lang ako nagsabing "hindi ko kaya" hindi ko alam, ang laki pala ng kapalit nito.

kaya ayun. nawala na sa akin ang week four. at ang chance na mabibigyan pa ng ibang weeks para sumalo at magsulat.

***

gaya ni john, napapatanong na rin ako kung is it worth it? apat na oras lang tulog ko. gigising ako para magsulat. nasisira ang schedule ko. nawawalan ako ng time for myself. tapos may mga tao pang akala mo kaibigan mo na sinasaksak ka pala sa likod.

is this job worth it all?

1 comment:

Anonymous said...

mama! tagal na natin di nag-uusap! di ko na alam ano nangyayari sa 'yo exactly. basta kung kelangan mo magrelease over coffee, txt ka lang.


hugs,
waterfowl

p.s. nareceive ko txt mo re our former BL classmate. napa-smile ako. guilty pa rin ako sa "pang-iiwan" sa kanya dati sa may sinehan sa shang...

nakapanood ako ng cinemalaya. nakita ko kahapon si jeyow at si janus. kanina si noriel at tessa. namiss ko ang workshop! ang ensaymada.