Saturday, August 9, 2008

kasentihan, kabaliwan, kakikayan...

umuulan nun. nasa starbucks kami. nagyoyosi ang mga kaibigan ko habang ako naman, parang manok na binubugahan ng mga usok nila. then i suddenly sighed and blurted out, "nami-miss ko na." tumingin sila sa akin, then i said, "miss ko na magka-dyowa."

there are days such as this na nasesenti ako. lalo na kung umuulan. nakaka-miss din pala talaga ang magka-dyowa. pero on normal days, okay naman ako. kebs lang. oo napapaisip lang ako, napapabuntong-hininga. napapa-haaaaai. pero most of the time, happy ako... kahit nag-iisa.

***

"buti na lang wala kayong dyowa. istorbo ang sex sa scripting," text sa akin minsan nung CM ko sa dyosa na si manay gina.
"pero nakaka-relieve sya ng stress," sagot ko.

naisip ko, kung may dyowa ako sa mga panahong ito, siguro, lagi kami nag-aaway dahil sa schedule ko. at dahil lagi kaming di magkasama, napa-praning na ako. bakit di siya nagtetext? nasan na siya? sino kasama niya? eh hello, sobrang selosa ko talaga. sobrang praning.

saka, kung mag-away kami o kaya magka-problema, baka maapektuhan nun ang pagsusulat ko. baka di ako makaisip ng magandang eksena. baka araw-araw na naman ako nagba-blog ng mga kasentihan.

pero ready na uli ako. kahit na masaktan uli ako. kahit na mambato na naman ako ng cellphone, kahit umiyak ako ng dram-dram, kahit puro kasentihan na naman ang nasa blog ko, kahit istorbo sa scripting at kahit na puro kadramahan na naman ang text ko sa mga kaibigan ko, okay lang... ready na uli ako magmahal. ang tanong, asan na sya?

***

sobrang kinikilig ako sa a very special love. at alam ko masama ang mainggit pero naiingit ako kay danica dahil pota siya... habang nag-e-emote ako sa movie, ayun at binebeso siya ni john lloyd! sabi ko mahal ko na uli si jlc. iba pala talaga ang first love. rovic pa lang siya, mahal ko na siya. pangarap ko na ngayon makagawa ng soap na siya ang bida. sana... sana...

"taksil ka," sabi sa akin ni direk trina nung narinig niyang nagso-swoon ako kay john lloyd. sabi ko mas mahal ko na si jlc kay zanjoe.

"pero mahal ka ni zanjoe," sabi niya. "mahal ko rin naman siya, kaya lang sino ba naman ako kumpara kay mariel?"

to quote danica, "ang kinis ng kili-liki ni mariel, mas makinis pa sa mukha ko."

eh si jlc, mahilig sa older women... saka sa morena.

***

pitching season na naman. kaya lahat ng tao sa network, ayun, abala sa pag-isip ng bagong concept. pitch dito, pitch dun. natutulog ako at nagigising na nag-iiisip ng bagong concept. what if nalaman mo na ang taong mahal mo ay.... paano kung may nagawa ka na....

kahit anong ginagawa ko, hinahanapan ko ng germ, ung pwedeng maging idea. kahit nga mga stuffed toys ko sa kuwarto, kinakausap ko...

nakakabaliw pala talaga maging writer.

***

patay ako.

na-realize ko last week na mas malaki na ang utang ko kesa sa savings ko. 77K sa isang card, 25K sa pangalawa. eh apat ang card ko! di ko na nga tinitingnan ung dalawa... baka magulat ako... baka lumampas na ng 150K. putangina, di ba?

san napunta ang pera ko? di ko rin alam... pero ang alam ko, sobrang totoo pala iyong sabi nila na kahit anong laki ng suweldo mo, sumusunod dun ang lifestyle mo.

last year lang, may day job ako. tapos sideline ko ang abs-cbn. this time, last year, wala akong havaianas. ngayon, i have six pairs. this time last year, masaya na ako sa jockey na undies. ngayon, puro marks n spencer na saka la senza. noon, 1K ang pinakamahal ko na bag. ngayon, isang linggong suweldo ko na as brainstormer ang isang bag ko.

marami pa akong damit sa closet na di ko pa nasusuot. nagtataka nga ako bakit ko binili. may mga sapatos at sandals ako na di ko rin nagamit, pinamigay ko na lang. ung mga bag ko, two or three times ko lang nagamit in one year.

ibenta ko na lang kaya mga tsinelas, pabango, bag at mga relo ko? pambayad utang din un.

hai, tapos na ako sa "treat ko sarili ko" and "pamper yourself" na mood. dapat na ako mag-ipon, mag-tipid, at matutong mag-budget ng husto. baka sa kulungan na ako magblog dahil sa laki ng utang ko.

***

malapit na ang birthday ko! iniisip ko kung itutuloy ko ang party ko sa isang bar sa QC. sa totoo lang, natatakot kasi ako na walang gawin sa birthday ko kaya lagi ako nagpa-party. last year, di ako nag-party pero sinopresa naman ako ng mga officemates ko. sobrang na-appreciate ko un. kasi, the last time na may nagsurprise sa akin, college pa ata ako nun. 20th birthday ko.

kasama ko si rose kanina sa chocolat sa the block. bago kami pumunta sa lock-in, nagsesenti muna kami habang kumakain ng cake. naalala ko ang birthday ko noong 2006. tapos nagkuwento ako sa kanya. naapektuhan sya sa kuwento ko. ayun, binigay nya asa akin ang last piece of cake. mas kailangan ko daw...

***

ang dami ko na nasulat. ang haba na. tagal ko kasi di naka-blog. busy-busyan. plus, nagkasakit pa ako. kaya heto na. binuhos ko na.

dyosa na sa lunes. manood kayo.

saka, congratulate nyo si clarissa at si michiko. nanalo sila sa palanca. si claring, first place na one-act play in english. si mich, first place ata sa screenplay.

tapos nalaman ko kagabi, iyong YS episode namin na i'll take care of you, yun daw ang pinadala nilang entry sa star awards for tv... sana manalo kami. :)

at saka, sana, matanggap iyong ipi-pitch ko sa tuesday. hindi ko talaga concept yun pero sa akin inassign. kaya papagandahin ko na lang. wish me luck! :)

2 comments:

jenny said...

salamat sa pagpost mo ng credit card bills. kahit papano sumaya ako kasi yung 74k credit card bill mo ay greater than the sum total of my bills. *peace*

Anonymous said...

pero ang alam ko, sobrang totoo pala iyong sabi nila na kahit anong laki ng suweldo mo, sumusunod dun ang lifestyle mo.

... i beg to disagree dito sa sinabi mo, kasi nasa sa tao yan kung maluho ka ba talaga o marunong ka bumili ng kailangan mo lang o mag show off na kaya mong bumili ng ganito. sabi nga dito sa isang store "dont buy if you dont need it." dapat sa panahon ngayon marunong kang mag save.