Thursday, September 18, 2008

alam ko nababasa mo ito...

alam ko nababasa mo ito. maliit lang naman ang mundo eh. nagugulat nga ako nang malaman kung sino mga nakakabasa ng blog ko. kaya sigurado ako nababasa mo ito...

pakiusap ko lang. sana naman huwag mo na pahirapan ang kaibigan ko.

oo nga inamin niya sa iyo feelings niya. at sinemplang mo siya at sinabing hanggang kaibigan ang tingin mo sa kanya. pero sana. kahit kaibigan, huwag na.

kasi sa bawat text mo sa kanya, sa bawat pagkikita niyo at pag-uusap, nagkakaroon siya ng pag-asa. kahit hindi niya sinasabi sa akin, kahit hindi inaamin, alam ko umaasa siya. umaasa siya na one day, magbabago ang feelings mo sa kanya.

alam ko yan kasi dumaan na ako diyan.

kung talagang wala kang gusto sa kanya, kung talagang kaibigan lang tingin mo, then be a friend to my friend. huwag kang selfish, please... mas matutulungan mo siya kung hindi mo muna siya kakausapin. hanggang sa mag-heal siya at mag let go. and move on. sa ngayon kasi, sariwa pa...

malaman papatayin niya ako kapag nalaman niya na nag-blog ako tungkol sa kanya. pero okay lang. mas gusto ko na awayin nya ako, kesa makita ko na nahihirapan siya.

galing na kasi ako dun sa sitwasyon niya ngayon. sobrang sakit. ayokong maranasan niya. ayokong tumagal pa ang paghihrap niya.

sana matulungan mo ako...

No comments: