Friday, September 12, 2008

careful, careful...

minura ako ni direk joey...

minura niya ako habang inaabot niya ang two tickets sa pda finals. "heto na... front row yan... patron... leche ka!!!"

sabi kasi niya baka kaya ko lang daw siya mahal ay dahil sa tickets na binibigay niya. sabi ko, with or without tickets, mahal ko siya.

pero minura pa rin niya ako.

okay na rin. sanay na ako na namumura ni direk. si direk naman kasi, kapag minura ka niya at inokray, mahal ka niya.. kaya sige lang...

kapag di ka na kinausap o pinansin... dun ka kabahan.

sana lahat ng tao katulad ni direk. hindi iyong pagmumura. kundi iyong kapag ayaw niya sa iyo, or may ginawa kang na-offend siya, ipapaalam niya iyun sa iyo by not talking to you. at least alam mo...

hindi iyong ngini-ngitian ka at chinichika, pagtalikod mo, minumura ka pala...

***

hindi lahat ng mabait sa iyo ay totoo. hindi lahat ng nasa paligid mo ay kaibigan mo. hindi porke tinetext ka or chini-chika or nagse-send ng forwarded email or text msg at nagco-comment sa blog mo, friend mo na siya. hindi mo alam kung sino ang totoo at sino ang hindi. ganyan talaga, kahit na nasa anong larangan ka man... kaya ingat na lang.

***

what could be more painful than discovering na the person na tinuring mong kaibigan for how many years ay bine-betray ka pala. you used to be so close. wala nga kayo secrets sa isa't isa. pero siya pa ang unang sisira sa iyo. nililibak ka at pinagtatawanan. tsk tsk. akala niya siguro di mo malalaman ang mga pinagsasabi niya about you... hai. at least ngayon alam mo na ang tunay na ugali niya. then you can completely cut this person off. good riddance!

***

kapag bitter ka, nakakapagsabi ka ng mga bagay-bagay na di mo na dapat sinasabi, lumalabas tuloy ang pagiging bitter mo.

kapag guilty ka, kahit hindi tungkol sa iyo, natatamaan ka. nagiging obvious tuloy na may ginawa ka.

sensya na kung may ka-nega-han ang blog entry na ito. kailangan ko lang ilabas...

after nito, balik na ako sa kakikayan at kabaliwan ko.... hayaan nyo na ako mag-angst. kasi kung di ko isusulat ito, sasabog na ako...

happy weekend, everyone! nood kayo your song sa sunday ha.

3 comments:

Melit said...

Grabe ate noreen (at nakiki-ate na rin ako..hehehe)..swak na swak po itong entry na ito sa kahit sinong tao at sa kahit ano talagang larangan..maraming salamat po sa paalala..

naging matindi po akong mambabasa nang inyong blog at mga articles sa peyups,napakanatural,totoo at malaman.daming reminders at daming napupulot na aral.maraming salamat ate noreen sa pagsusulat at sa pagbabahagi nito.:)ipagpatuloy nyo lang po.nakakainspire po kayo.:)

belated happy birthday po and wishing you and your dad well.:)

mhiko said...

hahahaha this is what and how i feel right now..ang dami din kasi nangyari sa buhay ko sa bestfriend ko na akala ko bestfriend ko talaga..sa mga tao na mabait saken pero yun pala may kelangan lang and marami pa..melit is right swak na swak..to tell you po honestly,isa ka po sa naging inspiration ko..nabasa ko yung blog mo last year and that's it..asa abs pa ko nung naisip ko maging writer..well,frustrated xe ko pero sabi ko wag na lang hindi ko xe linya yun talaga..nauso lang talaga ang blog..kaya kahit papaano heto feeling writer na din po ako..gumawa na din ako ng blog..lalo na ngayon wala ako work..
nwei,i hope we could meet up sometime..belated happy birthday..kahit sobrang late na po..keep safe..

noreen said...

salamat sa pagbasa at pagbisita sa blog ko, melit. sana nga at kahit papano, nakakatulong sa iba ang kabaliwan ko hehehe

mhiko, talaga abs ka dati? sang dept? :)