Thursday, September 4, 2008

first and last...

for the first time, sumakay ako ng ordinary bus ng mag-isa kagabi. wala na kasing mrt. at kinuripot akong mag-taxi. kaya nung binaba ako ni barcy sa may edsa-kamuning galing abs, nag-decide akong mag bus. eh walang dumaan na aircon so sumakay na ako ng ordinary. nagulat ako dahil twelve pesos lang ang binayaran ko hanggang crossing. babawas-bawasan ko na ang pagtataxi ngayon. dati kasi, kahit may mrt pa, kapag tinatamad ako, taxi ako papunta ng abs at pauwi ng bahay. araw-araw. kebs na. pero ngayon, sa dami nang nagastos ko noong umuwi ako ng davao, kailangan ko na magtipid ng todo-todo.

okay na ang tatay ko. nakalabas na siya ng hospital. there are some things na hindi mo na mababago, na hindi mo maintidihan kung bakit nangyayari. pero wala kang choice kundi tanggapin na lang. wala ka naman magagawa. my mother is so strong. wish ko maging kasing strong niya rin ako. first time ng tatay ko na ma-ospital. ever. tapos derecho icu pa. natawa na lang ako noong may kinuwento ang nanay ko. noong wine-wheel in daw ang tatay ko sa icu from the er, he waved his hand sa nanay ko and sadly said, "ba-bye..." minura siya ng nanay ko.

noong binisita ko ang tatay ko sa icu, isa sa unang sinabi ko sa kanya, "hindi ka pa puwedeng umalis... ihahatid mo pa ako sa kasal ko." he said, "totoo ba iyan? nasan na ba?" "wala pa nga eh. ihanap mo ako kaya tumayo ka na diyan..." after one day sa icu, nakalabas na ang tatay ko at nailipat sa private room... habang nag-uusap pala kami sa icu, first time ko rin nakita ang tatay ko na umiyak. naiyak ba siya dahil sa naisip niya kung gaano katagal pa niya ako hihintaying makasal? hehe

salamat uli sa lahat ng nag-offer ng prayer para sa health ng tatay ko. salamat sa lahat ng nag-text at nag-express ng concern, support and positive words. salamat lalo na kay claring... basta alam na niya un.

nanood ako ng for the first time with my high school friends, cheche and gaga, and my niece maya. mura lang ang sine sa sm davao... 70 pesos lang! kaya nilibre ko na sila (dahil nilibre naman kami ni gaga sa pizza hut at nilibre kami ni cheche sa roadhouse). ampanget ng movie. even maya kept on asking me kung malapit na matapos ang movie kasi inaantok na siya at gusto na niya umuwi. sayang ang unang movie ni kc. pero i have high hopes for her next film... si direk joey kasi writer and director...

three years na ako na nagsusulat and ngayon ko lang ata mararanasang mawalan ng trabaho na ongoing pa iyong show. sa unang show ko kasi, na-cancel na kami dahil hindi nagre-rate. sa second show ko, ako ang nag-resign. your song ang third show ko. sa fourth show ko, basta na lang kami hindi tinawagan ni barcy for a meeting pero okay lang kasi hindi naman kami invested dun sa show na iyun. dalawang meeting lang ata kami. sa fifth show ko, ang love spell, nawala na lang din sa ere. this is my sixth show na na-ere. hindi pa naman ako nakakausap for this so di ko pa mako-confirm pero from the reaction of one of my co-writers, mukhang ganun na nga... nagsimula kaming pito sa team... anim kaming nawala... first time kong masisante. masakit pala. lalo na kung alam mo na kaya ka natanggal ay hindi dahil sa talent mo... kundi may ibang aspeto lang... masakit oo pero tanggap ko na.... may kapalit ang lahat. sobrang minahal ko lang talaga ang show na ito. and special kasi dito kami nagkakilala ni you-know-who.

nagkita kami uli ni you-know-who kagabi. two months din yata kaming hindi nagkita. nasa starbucks kami nagme-meeting nang tumayo ako para mag CR. bago pa ako pumasok sa starbucks, nakita ko siya... papunta din sa starbucks. siya ang unang pumansin sa akin. then bineso niya ako. i asked him about his recent us trip. "masaya," he said, as we entered starbucks. he added, "super saya..." nakita pala ako ng mga ka-meeting ko at lahat sila kilig for me. ako hindi ako kinilig... nangingig ako... he still has that effect on me pala. grabe. dumaan siya sa table namin after niya bumili ng mocha frap (hindi ako stalker, narinig ko lang na iyun ang inorder niya). buti na lang talaga nandiyan siya to brighten my day... nalulungkot lang ako na wala na ako sa show at di ko na siya makakasama ng madalas... pero marami pa naman chance...

"Jun, ito promise... ito na ang huling gabing iiyakan kita. pagkatapos ng gabing ito, ititigil ko na ang kahibangan ko," dialogue ni april sa second week ng your song sa october. natigilan ako noong nabasa ko ang script kanina. kasi ganun din ang sabi ko sa sarili ko the other night. noong naiyak naman ako when i heard the song, the art of letting go. sinabi ko sa sarili ko, this will be the last night na iiyak ako dahil sa kanya. tama na. ilang baldeng luha na ang naiyak ko since dumating siya sa buhay ko.

may kinuwento ang cm namin kanina. may kakilala daw siya, galit na galit dun sa lalake. ayaw na ayaw niya makita. sabi pa, "kapag nakita ko iyun, sasampalin ko iyun... sasapakin ko... sana di ko makita ang gagong iyun." yun pala, kaya ayaw niya makita, kasi alam niya na kapag nakita niya, magkakabalikan sila... mamahalin niya uli ito, mahuhulog uli siya...

nagkatinginan kami ni rose. sabay buntong-hininga ng malakas. hindi ko alam kung bakit. naka-relate ba kami? napaisip tuloy ako. kaya ba ayaw na ayaw ko makita uli ang gagong iyun kasi baka bumalik iyong naramdaman ko? hai. it doesn't matter now. wala na eh. tapos na talaga. sana, iyong kagabi... iyun na talaga ang last time na iiyakan ko siya. i havent cried for him for months. last week lang uli. tapos, kagabi... pero... promise, iyun na talaga ang huli. binuhos ko na lahat... tama na. ayoko na.

nabanggit ni barcy na ang malas daw ng taon na ito for him... ako naman... itong quarter na ito... parang ampanget lang. dami delubyo sa career (bago ako mag-birthday, may bagong delubyo pero natabunan na kasi siya ng mas malaking isyu kaya kinalimutan ko na lang), sa family, sa finances, sa personal life... ganyan talaga, pero as long as you have good and supportive friends around you, you will get through all these upheavals.

naalala ko lang, noong papunta ako ng davao, noong malapit na kami mag-land, may grabeng turbulence na nangyari. noon lang ako nakaranas ng ganun ka-grabeng pag-alog. as in napasigaw pa iyong pasahero sa likod ko dahil umalog talaga ang buong eroplano. pero ako, i stayed calm kasi iniisip ko na lang, pagkatapos naman ng pag-alog na ito, lalanding na kami. everything will be fine....

ang nangyayari ngayon sa buhay ko, turbulence lang sa flight... magiging okay din ang lahat.

song of the moment: you're still here in me / and i can't set you free / so i hold on to what i wanted most... now here it comes, the hardest part of all / unchain my heart that's holding on... - the art of letting go, mikaila

question of the day: "bakit kaya lahat ng masarap ay masama para sa atin?" tanong ng headwriter ko habang kinakain namin ang chicharon na binili ko.

what i learned recently: in times of crisis, dun mo talaga malalaman sino ang mga tunay mo na kaibigan, who are ready na damayan ka at tulungan...

No comments: