Tuesday, September 9, 2008

parang ganito lang iyan eh...

may isang girl. she's "dating" two guys. matagal na sila ni guy A. masaya siya kay guy A. in fact, dami na-iinggit sa kanya to be with guy A. pero hindi naman nagpo-progress ang "relasyon" nila. then dumating si guy B. ibang-iba siya kay guy A. guy B is always late sa mga date. he is notorious for being fickle-minded. ang daming reklamo na naririnig sa mga naka-relasyon ni guy B. ang dami na nga umalis at iniwan siya.

kaso si guy B ang unang nag-propose. tagal na naghihintay ni girl pero wala naman sinasabi si guy A. gusto man niya tanggihan si guy B para kay guy A, natatakot siya na baka naghihintay lang siya sa wala. although may mga sinasabi naman dati si guy A na someday, magiging "sila," wala pa naman formal na sinasabi o ginagawa.

so habang wala pa sinasabi si guy A, the girl commits to guy B. siyempre, secret lang. ayaw niya ipaalam kahit kanino. baka kasi makarating kay guy A at tuluyan na siyang hiwalayan. baka maudlot iyong plans ni guy A. kahit she's with guy B, hoping pa rin siya na one day, aalukin siya ni guy A.

the girl is with guy B now pero hindi siya masaya. oo nga at "in a relationship" na siya pero iniisip niya, kapag inalok siya ni guy A, iiwan niya rin si guy B. hindi niya binibigay lahat kay guy B. si guy A pa rin ang hinihintay niya. kasi alam naman niya na guy B will not treat her right. papahirapin rin siya gaya ng ginawa nito sa iba. paghihintayin din ng ilang oras o kaya ay hindi ma-a-appreciate lahat ng gagawin niya.

pero paano kung malaman ni guy A na she's with guy B at tuluyan na siyang iwan ni guy A? she will be stuck with guy B, na hindi naman niya talaga gusto. na ang reason lang kung bakit siya pumayag ay dahil sa ayaw niya mabakante... at kailangan niya ito...

kung ako si girl at lovelife talaga ang pinag-uusapan dito, madali lang iyan... alam ko na ang gagawin ko... maghihintay kay guy A, kahit ano man ang mangyari. hindi ako magse-settle kay guy B, na alam ko will not treat me right. kahit matagal, kahit mahirap, i will stick it out with guy A. doon ako sa kung saan ako siguradong sasaya, at hindi ako masasaktan, kahit hindi ko pa alam kung dun talaga kami pupunta....

kaso hindi naman lovelife ito eh... at kapag issue na ang trabaho, pera, stability at ang future kung saan maraming tao ang umaasa sa iyo, ang hirap mag-decide. hindi puwedeng maghintay ka lang at tumunganga... sayang ang oras.

kaya nga swak itong text message na natanggap ni girl eh, "...if he has to make a choice, may he make it now... then i will either wait for him or forget him... waiting is painful... forgetting is painful... but not knowing which to do is the worst kind of suffering - paulo coelho"

sana mag-decide na si guy A, para alam na ni girl ang gagawin niya....

Song of the Moment: When I grow up by the Pussycat Dolls (di ko alam bakit ako nae-LSS)

Quote for the Day: "...if he has to make a choice, may he make it now... then i will either wait for him or forget him... waiting is painful... forgetting is painful... but not knowing which to do is the worst kind of suffering" - paulo coelho

What I Learned Recently: When it rains, it pours.... sunod-sunod talaga ang nangyayaring di maganda sa akin... akala ko tapos na last week, di pa pala... pero sige lang, lilipas din ito...


1 comment:

lujillekim said...

why not give guy B the benefit of the doubt, might work far better... tingin ko hanggang don na lng sila ni guy A...bka naman attached lng si girl sa idea na si guy A un right, wat if si B pala... been there. treat guy B right, he might turn out to be the real gem. hope this girl wont have regrets for insisting on guy A... have the same dilemma two yrs ago. and it turned out guy B is the real angel...:(