Monday, September 15, 2008

unexpected

gaya nga nga sabi ni rose sa blog niya, "salamat sa cash incentive. we deserve it."

hindi namin inaasahan iyun. nagulat na lang ako noong sinabi sa akin kahapon na i-check ko daw ang atm ko. for the first time, nagbigay daw ng cash incentive ang network. para saan? tanong ko. hindi malinaw ang pagka-explain sa akin. basta ang bottom line, may perang pumasok sa atm namin na hindi inaasahan...

unexpected. and oo, malaki siya. at ang laking tulong nun. i was planning to go sa bank ko sa ayala para mag-withdraw sa savings ko. kailangan ko magbayad sa apat na cards ko. at di enough ang pera ko sa atm dahil sa next payday pa papasok ang suweldo ko sa your song.

then the cash incentive came. okay na iyun pambayad sa cards. hindi pa mababawasan ang savings ko. ang galing talaga ni lord :)

may deadline ako ng 5am. para sa utoy. one hour to go. wala pa ako sa kalahati ng dapat ko i-submit. waaaaah.

gaya ng cash incentive, di ko rin inaasahan ang deadline na ito. sinabi lang sa akin kagabi. heto, nangangarag ako... naku, di pa ako binabayaran dun sa week five script six months ago pero heto, ginagawa ko pa rin ang assignment ko.

sana matapos ko na... buti na lang di natuloy lock in namin. again, ang galing ni lord. inayos niya ang schedule ko. :)

No comments: