Tuesday, October 28, 2008

bakit?

bakit kaya kahit alam mong mali, ginagawa mo pa rin?

sabi nga ni julian, "habang sumasama, lalong sumasarap..."

sabi ko ayoko na eh... pero, ambilis ko naman gumive in sa pambobola.

no judgment... minsan lang kasi, it feels good to be wanted... and we all need that feeling sometimes.

kailangan ko iyun ngayon. kahit masama, kahit mali... paminsan-minsan lang naman eh...

pero kahit ganoon, alam ko pa rin when to say stop. ;)

***

parang iyong pagkain ng chocolate. masama iyun lalo na at nangangarap akong mag-march ng 30 pounds lighter sa kasal ng best friend ko sa january. pero hinahanap-hanap ko pa rin. lalo na kapag i need to feel good... kailangan din naman natin mag-indulge paminsan-minsan, di ba?

minsan, kailangan din natin magkasala. hehehe

basta ba pakonti-konti lang... at alam mo kung kelan ka titigil.

kasi kung tuloy-tuloy ka lang, walang pakundangan, walang pakialam -- aba, sakit na iyan. :D

***

bakit kaya may mga taong nakakatulog pa rin sa gabi kahit alam nilang may tinatapakan na silang iba? or may mga nagsa-suffer dahil sa kanila? ano kaya ang iniisip nila? na okay lang din magkasala paminsan-minsan? ganito din ba ang pilosopiya nila sa buhay? they want to feel good about themselves, at the expense of others? they need to indulge, kahit na may nasasaktan na sila? or baka, pera-pera na lang ang lahat para sa kanila?

***

on a lighter note, sale ng havaianas sa abs-cbn. sabi ko ayoko na bumili kasi nakaka-anim na ako... pero it's just so tempting... kaya ayun, i gave in. when it comes to shopping, minsan, i still don't know when to say stop.

buti na lang sa shopping lang.... at hindi sa kasalanan no. 1 hahaha

No comments: