Saturday, October 25, 2008

pang motivate sa mga katulad ko...

may mga panahon pala talaga na kahit mahal na mahal mo ang isang bagay, pumapasok na sa isip mo ang sumuko.

in the middle of beating my deadline kahapon, tumawag ako sa headwriter ko. i was on the verge of crying. kasi i had to finish 180 sequences in less than 24 hours. kumusta naman iyun? biglaan kasi binigay sa akin. and they expect me to deliver. kaso, noong naka 110 sequences na ako, parang biglang nag shut down ang utak ko... wala na ako maisip. hindi ko na alam ano gagawin sa 70 sequences na kulang ko. kaya tinawagan ko na ang headwriter ko.

"john... ayoko na, hindi ko na kaya, ayoko naaaaaaaaa." iyun lang ang paulit-ulit ko na sinasabi.

hindi ako nagrereklamo. kasi kahit na nahihirapan ako sa script, at least, may trabaho ako. kahit na umaabot ng 11 hours ang meeting ko, at least may show ako. sabi ko nga wala ako karapatan magreklamo...

pero minsan, dumarating lang talaga iyong moments na napapaisip ka ng "is it all worth it?"

one month na ako di nakakapag gym. three weeks na ako di naka manicure/pedicure. two months na since i last had my facial at six months since nagpa diamond peel. last week pa ako dapat bumisita sa dentista ko. marumi na ang sink sa banyo ko at hindi ko na makita ang sahig ng kuwarto ko.

hindi ako naka-attend ng birthday party ng mga kaibigan ko, hindi ko nasasamahan ang best friend ko sa pag asikaso ng kasal niya (anong klaseng maid of honor ako!!!), hindi ko na nakikita ang mga barkada ko...

pero assured ako na every pay day, may pumapasok na pera sa atm ko.

ganun na lang ba iyun? pera-pera na lang?

hindi. kasi nandoon pa rin iyong fulfillment sa tuwing nakakatapos ako ng script. nandoon pa rin iyong saya kapag nakakaisip ako ng magandang eksena, or nakakasulat ako ng dialogue na napapangiti ako o napapaiyak. mahal ko pa rin ang ginagawa ko, despite everything -- the sleepless nights, the loooong meetings, the walang katapusang revisions...

oo, there are moments na napapaisip ako kung tama ba ang desiyon ko to be in this career. pero moments lang naman iyun, lilipas din...

ngayon, wala akong weekend. nagsusulat ako while my friends are out, having fun. bukas, sunday, may meeting ako at isusulat ang script na due ng lunes. ilang imbitasyon for coffee, movie, shopping, dinner, na ba ang natanggihan ko? ilang kaibigan na ba ang nagtampo sa akin dahil last minute, bigla akong magka-cancel ng lakad or biglang di ako makakasama dahil may taping na kailangan puntahan, may meeting na biglaan, or may script na kailangan isulat ng madalian.

but then hindi ako nagrereklamo... kasi kung hindi ko gagawin ito, wala akong pang diamond peel at pambayad sa gym, wala akong pambili ng grocery ko at di ko afford mag dinner with friends, wala akong pang shopping at panregalo sa pasko...

sabi nga ni john noong last time na nagsasabi akong ginagapang ko na talaga ang script at di ko na kaya, "iraos mo iyan. dukha tayo..."

parang sinsabi niya na wala kang karapatan magreklamo, matindi ang pangangailanan mo...

so heto, as i try to finish this script, iniisip ko na kung saan mapupunta ang TF ko dito... pambayad sa credit card, sa phone, sa condo, sa credit card, sa credit card, at sa isa pang credit card.

at mapupuwersa akong tapusin ito on time...

No comments: